ARAYAT, Pampanga—Nangangamba ang mga residente ng Barangay Guemasan, sa bayang ito dahil sa unti-unting pagkawasak ng road dike dito na pumipigil sa tubig sa Pampanga River.
Ang dikeng ito ang naghahati sa Pampanga River basin at Guagua River basin na ang tubig naman ay nagmumula sa lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac.
Ininspeksyon ng mga opisyal ng Pampanga River Flood Forecasting and Warning Center Flood Forecasting Branch ang nasisirang dike noong Miyerkoles kasama ang Punto Central Luzon.
Ayon kay Hilton Hernando, weather facilities specialists II, sa lalong madaling panahon ay dapat nang aksyunan ng mga kinauukulan ang rehabilitasyon ng naturang dike.
Ayon kay Hernando, kalahati na ng lapad ng dike ang nasira sa bahaging iyon ng Barangay Guemasan at posibleng tuluyang mawasak kapag dumating ang isa pang malakas na pag-ulan at pag-laki ng tubig.
Kung mawawasak aniya ang dike ay maapektuhan ang mga bayan ng Arayat, Sta. Ana. Mexico, Guagua at Bacolor at ang Lungsod ng San Fernando.
Ipinaliwanag pa ni Hernando na dahil sa papaikot ang direksyon ng Pampanga River kayat nasisira ang dike at may kalakasan ang agos ng tubig dito.
Una rito ay nangangamba na ang mga residente sa bayan ng Arayat sa sitwasyong ito ng kanilang dike kayat nagsipaglagay na rin sila ng may 100 metrong haba ng sand bag upang kahit papaanoy makapigil sa napipintong pagkawasak ng dike.
Ngunit aminado rin sila na hindi nito lubusang mapipigil ang malaking tubig na papasok sa kanilang lugar sakaling bumigay na ang dike.
Sa nagdaang bagyong Kiko ay natibag pa umano ang isa pang bahagi ng dike dahil sa laki at lakas ng daloy ng tubig.
Ayon kina Anyong Galang at Edel Borja, residente sa Barangay Guemasan, apektado ang kanilang ari-arian at mga kabuhayan sakaling mawasak na ang dike.
Kayat nananawagan sila sa mga kinauukulan para sa agarang rehabilitasyon sa bahaging ito ng dike sa Arayat.
Samantalang matapos naman ang ginawang inspeksyon nina Hernando, ay agad umano silang magsusumite ng rekomendasyon sa DPWH para sa mabilis na rehabilitasyon ng naturang dike bago pa ito lubusang masira at makaapekto sa maraming residente sa Pampanga.