Diether Ocampo nagsisising pinakasalan niya si Kristine Hermosa

    2464
    0
    SHARE
    Nilinaw ni Diether Ocampo na nullification at hindi annulment of marriage yung prosesong ginawa sa kanila ni Kristine Hermosa ng korte.

    Ang sa kanila raw ni Kristine, nullification, meaning hindi valid from the start kaya idinaan muna sa legal process para nga mapawalang-bisa na ito.

    Labis na ikinattuwa ni Diether na tapos na’ng proceedings at ngayon nga, haharap na siya sa panibagong buhay.

    Sa kanyang tono sa interviews, parang lumalabas na may bahid ng pagsisisi si Diether sa naging desisyon niyang pakasalan si Kristine Hermosa noon.

     “May mga pagkakamali kang magagawa, ang importante, bangon uli, may natutuhan ka sa mga pagkakamaling nagawa mo. Yun naman ang nangyari, kasi nabigyan naman kami ng pagkakataon kaya masaya kami.

    “Ang dami kong natutuhan dito, like yung huwag kayong magmamadali. Hindi ‘yan parang kaning isusubo mo na pag ayaw mo na, iluluwa mo lang. Makinig kayo sa mga nakakatanda, yung mga may alam na.

    “Kaya ako ngayon, nakakapagbigay na ako ng mga payo kasi galing na ako dun. Kung bago ka lang at wala kang kaalaman pagdating sa ganyang mga bagay, mahirap lalo na kung may kasamang malalaking responsiblidad,” sabi pa ni diether Ocampo

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here