Diether Ocampo gustong magpakabading

    400
    0
    SHARE

    Obsession daw pala ni Diether Ocampo na i-remake yung pelikulang Ang Tatay Kong Nanay na si Dolphy ang bida. Classic movie po ito where Dophy played an aeging parlorista na nagkaroon ng ampong bata sa katauhan naman ni Niño Muhlach. Dahil sa pelikulang ito, maraming nakuhang accolades si Dolphy na pinarangalan ng iba’t ibang award giving bodies sa kanyang mahusay na pagganap.

    "Alam mo, kung bibigyan nga ako ng pagkakataon, kung kailangan kong i-produce, gusto kong i-remake ang pelikula ni Tito Dolphy, Ang Tatay Kong Nanay Gusto kong gawin talaga ‘yan. Ang gusto kong ka-partner diyan, ‘yong sa May Bukas Pa, si Santino [Zaijian Jaranilla]," sabi pa ni Diether..

    Tinitiyak din ni Diether na kayang-kaya niyang bigyan ng hustiyas ang role, paghuhusayan daw niya talaga, lahat ibubuhos para nga di siya mapahiya. "Noong una ko pa lang napanood ‘yan, tumatak na sa akin, nagmarka na sa puso’t isipan ko."

    Sa ngayon, balak daw niyang kausapin si Dolphy tungkol sa iniisip niyang remake. Kumbaga, nakahanda rin daw si Diether na maglabas ng sariling pera para lang magkaroon ng katuparan ang pangarap niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here