Diether Ocampo accepts acting works with TV5

    462
    0
    SHARE
    Nasa TV5 na si Diether Ocampo at siya ang bida sa dalawang episodes ng Wattpad Presents na ngayon ay nasa ikalawang taon na ng pagsasaere.

    Sa presscon kahapon, siyempre, ang unang katangungan kay Diet ay kung paano niya tinanggap ang offer ng TV5, kung nagpaalam ba siya sa Star Magic at sa ABS-CBN at kung ano na ang estado niya ngayon sa Kapamilya network dahil for the longest time, naging napaka-loyal niya sa nasabing istasyon.

    “Of course, I’m still with ABS. In fact, I just took this opportunity which I’m very thankful ’coz hindi pa ako nakapag-guest sa Channel 5. So, this is the first time na makatrabaho ako with the production of TV5 and this is the initial project that we accepted, of course, there will be two episodes,” ang unang pahayag ni Diet.

    Nilinaw niyang Star Magic pa rin ang naghahandle sa career niya at guesting lang naman itong pag-appear niya sa TV5.

    Ang dalawang episodes ni Diet sa Wattpad Presents ay Wicked Ways kasama sina Ritz Azul at John James Uy na eere sa Nov. 23-27 at ang isa naman ay Seducing Mr. Wrong with Sam Pinto to be aired from Dec. 14 to 18.

    Ang huling teleserye ni Diet sa ABS-CBN ay ang Apoy sa Dagat noong 2013 with Angelica Panganiban. Dapat ay kasama siya sa seryeng Someone to Watch Over Me nina Judy Ann Santos at Richard Yap, pero dahil nabuntis nga ang aktres, na-shelve ito.

    Wala pa raw ulit work na ibinibigay ang Kapamilya channel kaya tinanggap niya ang offer ng Kapatid.

    “May mga offer din naman but siyempre, I was very happy when this offer came and thank you to Ma’am Wilma (Galvante) for giving me this opportunity to work with some actors na hindi ko pa nakakatrabaho and working with some production team na magagaling. Of course, with our director Phillip Lazaro and our EP, sila Betchay. It’s a good opportunity for me, so, hindi ko pwedeng palampasin ’yun, eh.

    “I’ve been with ABS-CBN for how many years and this is the first time that they offered me in Channel 5, so, sabi ko, why not? It’s also something to explore,” sey ni Diet.

    For the longest time ay ABS-CBN stars ang katrabaho ni Diet kaya natanong siya kung hindi ba siya nanibago working with TV5 stars.

    “To be honest, I was anticipating na ibang experience ’yung maaano ko rito but I’m quite surprised in a good way dahil siyempre, having to work with these new artists, at saka ’yung production team, lahat naman sila magaan katrabaho kaya ’yung expectation ko, hindi lang nalampasan kundi talagang sulit.

    “So, I’m glad that this opportunity came in, naging successful naman ’yung pagsu-shoot namin even though it’s a long period of working hours but sulit naman, I mean, we all enjoyed, that’s what’s important.”

    Akala nga raw niya ay maiilang siya, pero hindi raw naging ganu’n at pakiramdam daw niya ay matagal na silang magkakakilala.

    Willing ba siya sakaling mag-offer ang TV5 sa kanya ng exclusive contract?

    That would depend on the offer, siyempre, and of course, that would be decided on by my management, Star Magic. At this point, wala pa naman, so, let’s see.”

    Kung may trabaho ba siya ngayon sa ABS-CBN, tatanggapin niya ito?

    “Sa panahon ngayon, ’pag may trabaho, you know, walang masamang tinapay diyan. When this offer came, talagang naisip ko na ’yung opportunity na makatrabaho ko ’yung mga hindi ko nakasama.

    “So, I don’t think it would be a problem kung may exisiting work kasi ang desisyon naman usually, mutual ’yan, between the management, Star Magic, and the artist.”

    Nilinaw din kay Diet kung totoo bang magkakaroon siya ng teleserye with Claudine Barretto at aniya, wala pa naman siyang nakukuhang confirmation tungkol dito.

    “But once we get the final word, we’ll let you know.”

    Medyo mailap lang si Diet when it comes to his personal life at ayaw niyang pag-usapan ito.

    Halata ring parang naninibago siyang humarap sa entertainment press at maging sa one-on-one interview ay umiwas siya’t umalis na agad dahil may work pa raw ayon sa handler.

    Samantala, bukod sa 2 episodes ni Diet, kasama rin sa Season 5 Batch 2 ng Wattpad Presents ang Wrong Number (Nov. 30-Dec. 4) nina Eula Caballero at Mark Neumann at Iska Ispiritista (Dec. 7-11) starring Monica Cuenco and Martin Escudero.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here