LUNGSOD NG MALOLOS—Hindi sapat ang pagtitipid sa tubig upang tugunan ang taon-taong kakulangan sa tubig na inumin ng kalakhang Maynila at patubig ng magsasaka sa Bulacan na nagmumula sa Angat Dam.
Ayon sa Sagip Sierra Madre Environmental Society (SSMES), kailangan ang political will o ang pagpapatupad ng batas para sa proteksyon ng mga watershed ng Angat at Ipo Dam.
Sa kasalukuyan, mas bumaba pa sa 200 meters ang water elevation sa Angat Dam na pinagkukunan ng 97 porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila.
Binigyang diin ng SSMES ang walang habas na pagkasira ng kabundukan sanhi ng pamumutol ng kahoy at paggawa ng uling doon, samantalang iginiit ni Vice Governor Willy Alvarado na ang kakulangan sa tubig ay isa lamang kumpirmasyon ng pagkasira ng watershed ng dalawang dam na ilang beses ng naging bahagi ng kanyang privileged speech sa Sangguniang Panlalawigan.
Ayon kay Martin Francisco, tagapangulo ng SSMES, palaging ipinapayo ng gobyerno ang pagtitipid sa tubig kung tag-araw, ngunit hindi naman tinutugunan ang tunay na ugat ng problema sa kakulangan ng tubig.
“Patuloy ang pagkakalbo ng kabundukan partikular na ang mga watershed, pero kapos ang pagkilos sa forest protection,” ani Francisco at iginiit pa na 12 guwardiya lamang ang itinalaga ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para magbantay sa 6,600 ektaryang Ipo Dam watershed.
Dahil dito, sinabi niya na ang payo ng gobyerno na magtipid sa tubig ay nakakahalintulad lamang ng “band aid” o panapal butas lamang, at hindi makakatugon sa taon-taong problema sa kakulangan ng tubig sa irigasyon at iinumin ng kalakhang Maynila.
Ayon kay Francisco, may higit na dapat mapigilan ang walang habas na timber poaching o pamumutol ng punong kahoy sa loob ng watershed, maging ang paggawa ng uling kung saan ay mga maliliit o batang punongkahoy ang pinuputol upang gawing uling.
Isa sa mga epekto ng walang habas na pamumutol na punong kahoy sa loob ng watershed ay ang pagbabaw ng tinggalan ng tubig ng dam dahil sa kapag umulan, nakakalkal ang lupa sa bundok at naiipon sa ilalim ng dam.
Ang patuloy na pagbabaw ng tinggalan ng tubig ay nangangahulugan na mas kaunting tubig ang maiipon doon, kaya mas malaki ang posibilidad na kapusin ng tubig ang magsasaka at ang lumolobong populasyon ng kalakhang Maynila.
Batay naman sa naunang pahayag ng mga opisyal ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) ng National Power Corporation (Napocor) na namamahala sa Angat Dam, tinatayang umaabot na sa 20 talampakan ang kapal ng siltation o burak sa Angat Dam na ang konstruksyon ay natapos noong 1965.
Ayon ka Francisco, tinatayang aabot na sa 9,000 ektarya ng 63,000 ektaryang Angat watershed ang nakalbo o nasira, samantalang halos kalahati ng 6,600 hectare Ipo watershed ang kalbo.
Ibinulgar din niya na ang mga namumutol ng kahoy at nag-uuling sa loob ng dalawang watershed ay karaniwang nagmumula sa lalawigan ng Rizal.
“Walang habas yung timber poaching sa Mt. Ilas, kahit araw ay patuloy sila,” ani Francisco, patungkol sa bundok ng Ilas na matatagpuan sa pagitan o boundary ng Angat at Ipo Watershed, na malapit sa lalawigan ng Rizal.
Kaugnay nito, sinabi ni Alvarado na hinaharap na kakulangan sa tubig ng kalakhang Maynila at magsasaka sa Bulacan ay kumpirmasyon lamang na patuloy ang pagkasira sa Angat Watershed.
“Ang problema natin ngayon ay walang pinag-iba sa kasabihan ng mga Bulakenyo na sala sa init, sala sa lamig,” ani ng bise gubernador na ilang beses ng nagsagawa ng privilleged speech sa SP hinggil sa problema ng tubig sa Angat Dam.
Ipinaliwanag niya na kapag tag-ulan, baha ang nananalasa sa Bulacan katulad noong Setyembre kung kailan hinagupit ng bahang hatid ng bagyong Ondoy ang Bulacan.
Ngunit kung tag-araw naman ay kinakapos ng tubig dahil sa mababaw na ang dam sanhi ng patuloy na pagkakalbo ng kabundukan.
Kaugnay nito, sinabi ni Liza Sacdalan, isang lider ng magsasaka sa bayan ng Plaridel, na umaabot na sa mahigit 100 ektarya ng bukirin sa Bulacan ang natutuyo kahit hindi pa nagsisimula ang taga-araw.
Sinabi rin niya na nakansela ang ipinatawag na pulong ng Provincial Agriculture Office (PAO) noong Biyernes, Pebrero 12 kung kailan ay magsasagawa sana ng konsultasyon sa mga magsasaka upang matukoy ang mga lugar na apektado ng kakulangan sa tubig.
Ayon naman kay Gloria Carillo, hepe ng PAO, hindi man natuloy ang kanilang pulong ay patuloy ang mga kawani ng PAO sa pagsasagawa ng pagtukoy sa mga lugar na apektado sa lalawigan.
Gayunpaman, hindi niya tinugon ang katanungan hinggil sa posibilidad ng pagdedeklara ng state of calamity sa Bulacan at ang pagsasagawa ng cloud seeding upang muling mapunan ang tubig sa dam.