ni Grace Poe (kasama ang ka-tandem niya
na si Escudero) sa AC, Pampanga,
yan sa ganang akin lubhang mahalaga.
Pagkat nagkaroon ng pagkakataon
ang local media at Pangulo nitong
AbeKa, kay Grace Poe upang maitanong
itong isyu hinggil sa ‘Airport congestion’
Na kasalukuyan nating dinaranas
sa NAIA ngayon, dahil mas madalas
ang aeroplano ay halos isang oras
munang nasa ere bago makalapag
Sanhi nitong walang sapat na espasyo
sa ‘runway’ kung kaya nga’t madalas bago
makalapag itong ibang aeroplano,
maghihintay muna ng bakante ito.
O mag-take off itong mga papaalis
para maka-landing ng walang panganib
itong sa itaas ay ilan nang beses
nagpaikot-ikot para lang maging ‘safe’
Ang pag-lapag nila at kung saan bale
liban sa palaging ‘late’ ang ibang biahe,
Ang gastos ng ‘airline’ medyo lumalaki
sa ‘aviation fuel’ na nasayang pati.
Kaya nga’t sa puntong ito sinimulan
nina AbeKa Pres. Alex Cauguiran
at ng local media kay Poe – kung mahalal
bilang Presidente kung anong plano n’yan
Hinggil sa naturang ‘congestion’ sa NAIA,
at kung itong Clark ay kinokonsidera
ng mabait at butihing Senadora,
‘as an alternative’ kung manalo siya?
Malinaw at walang pag-aalinlangang
sinagot ni Poe si Ginoong Cauguiran,
na itong Clark din ang ninanais niyang
maging ‘next to NAIA’ kung kinakailangan?
At kung saan ayon kay Chiz Escudero
ngayon pa lamang ay siya at si Grace Poe
ay isusulong na nila sa Senado
ang panukalang Bill hinggil para dito.
At sa oras na ‘yon, matapos ang ilang
mga katanungan na magalang namang
sinagot ni Poe ay nais ko rin sanang
magtanong subali’t ako ay naunahan
Ng ibang kasama hinggil kay Pangulong
Gloria Macapagal, na ipinakulong
na ng kasalukuyang Adminstrasyon
Gayong accused pa lang yan ng pandarambong.
Malinaw ang naging kasagutan ni Poe
hinggil sa tanong na kung siya’y mananalo,
di kaya ang dating Pangulong Arroyo
lalong mawalan ng tsansang maabsuelto?
Pagkat paniwala ni Susan Roces-Poe
at gayon din ni Grace, na kaya natalo
si “Da King” ay dahil dinaya umano
ng Comelec at ng kampo ni Arroyo?
At ang sagot ni Grace… humigit-kumulang,
ipauubaya niya sa Hukuman
ang patas at walang bahid alinlangan
ng pagkiling nito sa panig ninuman.
At higit sa lahat tunay na hustisya
ang dapat umiral ang sabi pa niya,
kaya sa puntong yan ay maka-aasa
tayo na si Grace Poe ay di benggadora!