Di naman dapat pinapatay ang mga insekto

    521
    0
    SHARE

    THE HEIGHT ang pinakawalang salita ng isang Yvonne Benavidez na pinatungkulan niya na may insekto nakasisira sa singing career ni Tyrone Oneza.

    Nasulat sa REMATE “dapat kasi, para maging maganda ang takbo ng career ni Tyrone, ang mga insekto dapat pinapatay, mga taong hindi nakatutulong sa career ni Tyrone, ‘yon ang dapat tanggalin, kasi sila ‘yung insekto.”

    The insects in Tyrone career might be the recording artist’s ex-girlfriend, who is also the current manager of a singing comedian Mojak. Si Ms. Jackie Dayoha ang tinutukoy niya.

    Para kaalaman ni Yvonne, si Jackie Dayoha ang nagdugtong ng pangarap ni Edwin ‘Tyrone’ Oneza para matupad ang record album na Dito Sa’King Piling.

    Tatlong milyon na diumano ang nagastos ni Miss Jackie sa pagbabalik ni Tyrone at magkaroon ng album.

    “Insekto pa ang turing niya sa akin, dugo at pawis ko ang pinuhunan para mabuo ang kanyang binalikang pangarap.

    Para malaman ng bagong manager ni Tyrone, ako ang record producer at pera ko lamang ang ginamit sa Dito Sa’King Piling. “Ito lang paalala ko kay Ms. Yvonne.

    Tutal siya ngayon bagong manager ni Tyrone, ipagprodyus na lang niya ng record album si Tyrone, huwag na huwag niyang magagamit sa launching at mall tours ang naprodyus kong album. Kailangan niyang manalamin muna bago siya magsalita.

    Subukan niyang ang magic mirror ni Boy Abunda para malaman niyang ang katotohanan. Tingin mo sa amin insekto, tumingin ka na ba sa paligid mo, nand’yan lang insekto. Isang paalala kay Yvonne, nagkonsulta na ako sa aking abogado. Kung gusto mo ang labanan, magkita na lang tayo sa korte,” pagbabanta ni Ms. Jackie.

    May patutsada rin si Yvonne na kung gusto sumikat ng singer/comedian na Mojak Perez ay dapat ding mawala raw ang insekto na nasa paligid nito. Kasalukuyang mina-manage ni Ms. Jackie si Mojak.

    Sey ni Ms. Jackie, insekto ba ‘yung tumulong sa mahirap na gaya ni Mojak at gustong maiangat ang pamilya?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here