Di na puwedeng magkatuluyan

    400
    0
    SHARE

    GAANO kaya katotoo ang balitang malabong i-link si Enrique Gil sa kanyang bagong kapareha sa “Mira Bella” na si Julia Barretto dahil sa tunay na buhay ay may GF na umano ito, ang ABS-CBN resident na si Bangs Garcia?

    Hindi rin puwede i-link si Julia sa isa pa niyang leading man na si Sam Concepcion dahil meron na rin itong Jasmine Curtis-Smith, ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na contract star naman ng TV5.

    Julia was rumored to be the GF of Julian Estrada, ang teenage son ni Sen. Jinggoy Estrada at wife nitong si Precy Vitug-Ejercito. Julia, on the other hand, said na hindi pa umano siya ready magboyfriend dahil gusto niya munang mag-focus sa kanyang career.

    Speaking of Julia, hindi pa man nagi-air ang launching TV project nitong “Mira Bella” ay sunud-sunod na rin ang kanyang mga product endorsements. Expect more to follow kapag tumatakbo na sa ere ang kanyang serye. Julia who is touted as the next important star is the daughter of estranged couple na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here