Mapalad umano si Mayor Guerrero
Ng Floridablanca, at siya palang dito
Sa naturang bayan ang kwenta nanalo
Ng tatlong termino nang dire-diretso
Sa pagka-alkalde ng kanilang bayan
Sapol maitatag yan at nakilalang
Ganap sa ganitong naging katawagan,
(Na ‘Pista ng Bulaklak’ ang kahulugan).
Pero para sa ’king sariling opinion
Di matatawag na mapalad si Mayor,
Kundi ng dahil sa siya itong gustong
Maging alkalde ng mga tao roon
At marahil kahit ilang termino pa
Ay pamuli pa ring ihahalal siya
Ng kanyang kabalen pagkat nasa kanya
Ang katangian ng lider na bihasa
At may kakayahang sa bayan umugit
Ng buong talino at may malasakit,
Matapat at sadyang walang bahid dungis
Na pamalakad o ‘genuine public service’
Kaya’t sanhi na rin katangiang iyan
Ni Mayor ay ating masasabing tunay
Na hindi suwerte ang pagkapanalo n’yan
Kundi nang dahil sa tiwala ng bayan!
Ano pa nga naman ang dapat hanapin
Ng taga Florida sa katulad na rin
Ni mayor Guerrero na tunay naman ding
Napakamasugid sa mga gampanin
At talaga naman ding tinututukan
Ng mabait at butihing punongbayan
Sa panahon ng kanyang panunungkulan
Ang lahat para sa kanyang kababayan
Kung saan kabilang sa mga proyekto
Na naipagawa ni Mayor Guerrero,
Kasama ang nakapagpatayo ito
Ng ‘public schools’ at nabigyan din nito
Ng ‘livelihood’ itong walang hanapbuhay
Para magkaroon ng pagkakitaan,
Sa pamamagitan ng pagtitinda riyan
O anumang gusto na maging kalakal
At ang munisipyo ang magpapahiram
Ng pera na siyang magiging kapital
Nitong nagnanais na makapangutang,
Ng walang interes na dapat bayaran.
Isusulong pati ni Mayor Guerrero
Sa panahon ng panunungkulan nito,
Na mapaunlad at lumago ng husto
Sa Nabuclod Mountain Resort ang turismo.
Dagdag ‘public schools’ para sa mahirap
Na mag-aaral ay kasama sa balak
Ipatayo ni Mayor upang ang lahat
Na di makaya ang sa ‘private’ magbayad
Ng napakataas na ‘tuition’ ay mayrung
Matakbuhan at di kagaya nga nitong
Mga may-kaya lang ang puedeng tumuntong
Sa hagdanan nitong mga ‘private schools’
Ang pangangailangan sa pangkalusugan
Ay isa rin ayon sa Alkaldeng bayan
Sa mga programa niyang tinututukan
Upang ang lahat ay mapangalagaan
Laban sa anumang sakit na maaring
Umatake lalo’t ngayong paparating
Ang tag-ulan, at kung saan itong pesteng
Dengue ang siyang unang marapat sugpuin!