Di lang Kampi ang patay na, kundi pati ang iba pa

    367
    0
    SHARE

    (Karugtong ng sinundang isyu)

    ITONG
    daigdig ng katawagan mandin
    Ay  paraiso ng mga sinungaling,
    Kung kaya’t sa isang slot, minsan anim
    Ang nag-aagawan – at di maaaring

    Dalawa partido lang ang maglalaban
    Para makahabol yan ng sabay-sabay;
    Kaya suma total sa puntong naturan
    Bagong political party ang kailangan.

    Na di magtatagal ay kusang kukupas
    Din naman ang taglay na ningning sa lahat,
    Gaya  nga ng KAMPI r’yan na itinatag
    Noong panahon pa nitong nakalipas.

    Na Adminstrasyon –  na ngayo’y patay na
    Ang partidong itinayo ni Mam Gloria,
    Pati na rin dito mismo sa Pampanga,
    Na itinuturing nitong home province niya.

    At maging si EdPam na Kalihim noon
    Sa ‘external affairs’ ng Administrasyon
    Ng dating Pangulo ay sinabi nitong
    Ang Kampi’y wala nang magiging ‘major role’

    Comes year 2013 or next year’s election
    Pagkat ‘dormant’ yan ng mahabang panahon,
    Although it was revived in year 2004
    Ng ating Kabalen na ngayon ay Solon.

    At pati na rin ang political parties
    Na tinukoy natin di na rin lalawig
    Ang pananatiling buhay sa daigdig
    Nitong pulitika sa puntong nabanggit 

    Dahilan na rin sa sobrang dami nito
    Ay di na nga natin matiyak kung sino
    Sa bumubuo n’yan itong may talino
    At sadyang marapat maluklok sa puesto.

    Sanhi na rin nitong sa sobrang dami n’yan
    Ay tunay naman ding nakakalito lang,
    Sa mga botante ang pagpili minsan
    Kung sino nga kaya ang maaasahan.

    At laang maglingkod talaga ng tapat
    Sa Inangbayan at kanyang komunidad,
    Ng walang anumang personal na hangad
    Kundi makatulong sa lahat ng oras.

    At ng serbisyong maipagkakapuri
    Ng mga Kabalen at kanyang sarili,
    Na di kagaya ng mas nakararami
    Nating pulitikong wala namang silbi.

    Kung saan ang iba nito ay produkto
    Ng kung anu-anong binuong partido,
    Nitong aywan lang kung tunay na serbisyo
    Ang pakay kung kaya kumakandidato.

    Pero kung tayo po itong tatanungin,
    Ay makabubuting ibalik sa dating
    Dalawang partido na lang itong ating
    Sa election palagi nang gagamitin.

    Pagkat gaya nga po ng ating nasabi,
    Nakalilito lang kapagka’ marami;
    Sanhi na rin nitong ang iba nga kasi
    Palipat-lipat lang o hindi mapirmi

    Ng kanilang kampong kinaaaniban
    Tuwing nalalapit na r’yan ang halalan,
    Kung kaya pati ang mga manghahalal
    Ay kung sino na lang ang naihahalal! 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here