Ang “Sport” o itong tinatawag nilang
“Palakasan” sa’ting talasalitaan,
Kahit noon pa mang aking kabataan.
Pero nitong Linggo nang dahil marahil
Sa ang nakatakda sanang patumbain
Ni Manny Pacquiao sa ibabaw r’yan ng ‘ring
Ay si Mayweather nga – nag-usyoso na rin
At nakisali sa aking mga anak,
Manugang, apo at iba pang kaanak
Para panoorin ang ‘delayed telecast’
Ng kanilang laban doon sa Las Vegas
Ngunit sanhi na rin ng pagkadismaya
Ni ‘yours truly’ sa tila hindi patas na
Pagsuri sa puntos nitong bawat isa
Sa mga ‘judges’ ay ako’y tumayo na
At aking nasabing ang laban ni Pacquiao
Kay Mayweather tiyak ay ‘hometown decision’
Ang mangingibabaw sa oras na iyon,
Base sa sarili nating obserbasyon.
Sa ‘4th round’ pa lamang nakita na natin,
Ang medyo kakaibang pag-‘rating’ sa ating
Kabayan ng mga puntos na madaling
Mahalata kung ang laro’y lulutuin.
Malaki ang agwat ng puntos ni Manny
Kay Floyd sa ‘4th round’ kung suriing mabuti,
Pero si Mayweather pa rin nga po kasi
Ang nakakuha ng higit na malaki
Gayong halos itong si Manny Pacquiao nga
Ang lamang ng higit kalahati yata
Kaysa puntos ni Floyd, ngunit sa kabila
Ng lahat, si Pacquiao ay natalong bigla?!
At may ilang ‘rounds’ din na maliit lamang
Ang agwat ng puntos ni Floyd kay Kabayan,
Pero nang lumitaw sa ‘screen’ ang bilang
Ng nakuha nila’y kulelat si Pacman.
Kaya sa nangyari yan ay ano pa ba
Ang habol po natin dinaya man siya?
Kundi ang posibleng ‘rematch’ ng dalawa
Kung ang magkabilang kampo ay payag pa.
Na maglabang muli sa ibawbaw ng ‘ring’
Upang makita ang tunay na magaling
Kina Mayweather at Manny Pacquiao natin,
Saan mang lupalop nila gugustuhin.
Mas makabubuti kung sa ibang lugar
Gaganapin para patas ang labanan;
At di tulad nitong mayrung agam-agam
Na ‘hometown decision’ ang tila umiral.
Nang sa ganun ano pa mang di mabuting
Impresyon ng ibang kababayan natin
Hinggil sa nagdaang laban po ng ating
Si Manny Pacquiao ay atin nang limutin.
At ang katawagang ‘pambansang kamao’
Na ikinapit kay Mr. Pacquiao mismo,
Sanay’y lubayan na natin Kabayan ko
Kung ito’y di naging batas sa Kongreso
Pagkat iligal nga kasing masasabi
Ang ihalintulad po natin si Manny
Sa Pambansang Ibon, dala na rin kasi
Nitong kung di ‘resolved’ yan sa Senate pati
Ay kapintasan lang sa pamilya nila,
Partikular na r’yan kay Aling Dionisia
Ang aniya’y kakampi ng Diyos ang anak niya,
Kaya tiyak na ang panalo kumbaga?;
(Ang ‘boxing’ ay sugal kaya di dapat na
Isali ang ngalan ng banal na Ama!)