Di dapat isisi kay Mayor

    332
    0
    SHARE

    Minsan may mga di dapat isisi
    Sa isang indibidual pero nangyayari,
    Dahil posibleng di batid ng marami
    Ang sanhi ng bagay na isinisisi.

    Tulad na lang ng ‘on going road construction’
    Sa JASA diyan sa San Fernando ngayon,
    Kung saan sa ating ‘world class city mayor,’
    Oscar S. Rodriguez tila binubunton
     
    Ang sisi ng ilang may mga ‘business
    establishments along the said JASA stretch’,
    Itong usad pagong o sabi’y (snail pace?)
    Na konstruksyon d’yan ng DPWH

    Nitong ‘flyover’ sa mismong kahabaan
    Ng JASA at sa may parteng panulukan
    Nitong Lazatin road, sa gawing kanluran
    Ng lungsod malapit sa Central Terminal.

    Na tunay naman ding malaking perwisyo
    Sa mga may-ari ng Restaurant dito;
    Car dealers at iba pang kauring puesto
    Ang idinulot na kabagalan mismo

    Nitong contractor ng proyektong naturan,
    Na dapat ay noon pang nakaraang buwan
    Nito natapos ang ‘flyover’ sa lugar
    Kundi ang patrabaho ay inapura n’yan.

    At di naging mitsa riyan ng pagsasara
    Ng iba bago pa mag-Semana Santa,
    Kung kaya marami itong nasayang na
    Dapat kitain ng nag-‘shut down’ anila.

    Ngkaganun man ay di dapat isisi
    Kay Mayor ang pagka-balam na nasabi
    Dahil ang DPWH nga kasi
    Ang tuwirang may ‘power & authority’

    Sa pagpapatakbo o pag-implementa
    Ng mga marapat galawin sa tuwina,
    Sapagkat ‘national government’ talaga
    Itong responsable sa lahat-lahat na.
     
    Pero tulad na rin ng inaasahan
    Ng masa kay Oca sa kilusang-bayan,
    Nitong Mierkoles lahat ng ‘concern’ ay kanyang
    Inanyayahan sa isang kapulungan.

    Kung saan kasama ang mga ‘contractor’
    At iba’t-iba pang mga ‘interested people’
    Sa mga dumalo sa nasabing pulong
    Upang ipahayag ang tunay na rason

    Kung bakit ito ay di matapos-tapos,
    Gayong ito yata ay ‘four months’ na halos
    Ng ‘under construction’, at ang naging sagot
    Nitong ‘contractor’ ay sa ‘18th of August

    Ang ‘target date’ nila para sa lubusang
    Pagkayari nitong proyektong naturan;
    Maisumite sa kinauukulang
    Ahensya at/o aling mang tanggapan

    Na dapat pumirma sa ‘completion of works’
    At ibang kailangang marapat masunod;
    (Aywan lang kung itong Alkalde ng Lungsod
    Ang signatory at siyang mag-aaprub)

    Kwenta isang buwan at kalahati pa
    Ang ipaghihintay ng lahat-lahat na
    Ng mga may puesto sa ‘stretch’ ng JASA,
    Mula intersection – na halos wala pa    

    Yatang isa’t kalahating kilometro
    Ang distansya mula ‘flyover’ mismo
    Ng Dolores junction kaya’t pihong-piho,
    Na matatapos sa buwan ng Agosto.

    At nang matapos na pati paninisi
    Sa kung sino at sa butihing Alkalde,
    Na sa ganang pananaw kong pangsarili
    Ay di marapat sisihin sa nangyari! 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here