Home Headlines DFA Consular Office sa Olongapo, pinasinayaan

DFA Consular Office sa Olongapo, pinasinayaan

370
0
SHARE
Ribbon-cutting sa pangunguna nina Mayor Rolen "Lynj" Paulino, BCDA director Rolen Paulino Sr, DFA Asec Adelio Angelito Cruz, SM Supermalls senior AVP for mall operations Junias Eusebio, at mga lokal ng opisyal ng lungsod. Kuha ni Johnny R Reblando.

LUNGSOD NG OLONGAPO — Pormal nang pinasinayaan ngayong Dec. 5 ang bagong Department of Foreign Affairs Consular Office na matatagpuaan sa ikatlong palapag ng SM Central dito. 

Pinangunahan ang ribbon-cutting nina Mayor Rolen “Lynj” Paulino, Bases Conversion and Development Authority director Rolen Paulino Sr, DFA assistant secretary Adelio Angelito Cruz, SM Supermalls senior assistant vice president for mall operations Junias Eusebio, at mga lokal ng opisyal ng lungsod.
Ang pagbabasbas sa bagong opisina ay pinangunahan ni Rev. Fr. Roque Villanueva, parish priest ng St. Joseph Parish Church.

Ang loob ng bagong DFA consular office. Kuha ni Johnny R. Reblando



Ayon kay Asec Cruz, ang consular office na ito na ang pinakamagandang opisina ng DFA na itinayo sa buong Luzon.
Dugtong pa nito, may 42 consular office na ang naitatayo sa buong Pilipinas, 21 sa Luzon at 10 sa SM malls.

Sinabi pa ni Cruz na hindi lamang passporting ang gagawin kasama na dito ang authentication.

Ang consular office ay mag-accommodate ng walk-in applicants tulad ng mga seniors, minors 7 years below, PWD at mga pregnant women. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here