Kung totoo itong umano’y hinamon
Ni Rimpy ng ‘fistfight’ si Candaba Mayor
Jerry L. Pelayo – yan ay indikasyon
Na ang dating ‘unopposed 4th District Solon’
At nangarap maging provincial governor
Ng Pampanga medyo desperado ngayon
At kabado yan kay ‘John Lloyd ng 4th District’
Kaya napasukan ng ‘daga’ sa dibdib,
At sa babag na lang kumbaga naisip
Idaan kunwari ng ating mabait
At respetadong naging Representative
Ang di marapat na ihayag ‘in public’
Dahilan na rin sa ang paghamon nito
Ng away kay Jerry sa Candaba mismo
At pinangalanan pa manding Panchito
Si Mayor sa harap ng maraming tao,
Yan sa ganang aming opinyon – di wasto
Pagkat ang ganyan ay may himig insulto
(Di lamang kay Mayor kundi pati na rin
Sa pamilya ng yumaong komedyanteng
Si Panchito Alba – ngayo’t itong dating
Idolo ng masa at nagdulot mandin
Sa nakararami ng saya at aliw,
Ay di na marapat isali marahil
Sa kahit na anong bagay na kakatwa
Maging sapisikal na anyo at gawa
Nang nabubuhay pa – at kung binyagan nga
Siya ni Dolphyay tawanan ang madla
Sa kung anong bansag, pero ngayong wala
Na si Panchito ay mukhang di na tama).
Sa totoo lang ay magkabalen kami
Ng ex-Solon at kami ay magkumpare
Sa puntong siya ay naging Ninong bale
Sa kasal ng isang anak kong lalaki,
Kaya lang ay ‘half-baked’ nating masasabi
Sa aywan kung sinadya ang pangyayari
Na di siputin ng butihing Congressman
Ang okasyong lubos kong pinaghandaan,
At kung saan kahit ako’y mahirap lang
Ay dumalo naman sa araw ng kasal
Ang iba pang Ninong na makakatuwang,
Kasama pati ang pamilya ng ilan.
Nagkaganun man ay di ko itinanim
Sa kaibuturan ng puso at damdamin,
Kundi kahit pa man makirot isipin
Iniwaksi ko na’t ang sarili na rin
Ang aking sinisi at nasabi manding
Patuloy ko pa rin siyang tatangkilikin
Bilang kabalen ko’t aking ka-distrito,
Kaya nang humabol ang kapatid nito
Ay akindin namang inilakad ito;
Pero sa ngayon ay hindi na siguro,
Dahilan na rin sa ako’y kumbinsido
Na sa kahusayan ni Mayor Pelayo.
Kung saan lubos ang ating paniwala
Na higit marahil sa mga nagawa
Ng butihing ama at nitong mag-Kaka,
Ay maaasahan kay Jerry, kung kaya
Sasakay na ngayon sa kabilang bangka
Angabang lingkod at pulpol na makata!