LUNGSOD NG BALANGA — Namahagi ang Bataan provincial government ng desktop computer sa 237 barangay sa 11 bayan at isang lungsod ng lalawigan nitong Lunes.
Sinabi ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd na ang pamamahagi na ginanap sa Training Center ng 1Bataan Command Center sa Orani ay bahagi ng kanilang layunin na gawing mas madali at episyente ang mga proseso sa paghahatid ng mga de-kalidad na serbisyo sa bawat barangay.
“Asahan ninyo ang patuloy na pagsusumikap ng ating pamahalaan upang mas mapabilis at mapadali ang pagkuha at/o pagtanggap ng mga kinakailangang impormasyon at serbisyo, na magdudulot ng higit na kaginhawaan sa ating mga komunidad,” sabi pa ng governor.
Tuwang-tuwa naman ang mga barangay officials sa tulong sa kanila ni Garcia.