Dental tech binaril, patay

    455
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY—Isang bala ang kumitil sa buhay ng isang dental technician nang barilin ito ng di pa kilalang gunman sa Canda St., Barangay East Bajac-Bajac, sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na si Ronald Jimenez, 39, residente ng Purok 3, Barangay Magsaysay, Dinalupihan, Bataan.

    Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya nasa labas ng kanyang laboratoryo ang biktima dakong ala-1 ng hapon nang lapitan ito ng di kilalang supek at saka ito binaril ng di pa mabatid na uri ng kalibre ng baril.

    Ang suspek ay mabilis na tumakas lulan ng isang kulay gray na van sa direksyon patungo ng Barangay Cabalan.

    Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Olongapo City PNP sa motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan sa suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here