PARANG LOVERS talaga ang drama nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Last Saturday, bago pumunta sa commitment niya sa show ni Jose Manalo sa Zirkoh Tomas Morato, dumalaw muna siya kay Tom sa St. Luke’s
Hospital na naospital dahil sa sobrang kapaguran sa taping ng My Husband’s Lover at shooting ng movie.
Eh, galing pa sa Cabanatuan sa Nueva Ecija si Dennis and yet, inalam ang kalagayan ng kanyang “Vincent” sa MHL. Eh, ayon sa manager nila na si Popoy Caritativo, hindi naman daw dengue ang dumale kay Tom.
Kaya once umayos na ang kalagayan, balik-trabaho na si Tom upang maipagpatuloy na rin ang pagiging “girl” ni Dennis sa MHL na hinahabulhabol talaga ang una.