Dennis Trillo ipakikilala na ni Tom Rodriguez sa kanyang paryentes

    384
    0
    SHARE

    NAKA-SCHEDULE bukas ang alis nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at ibang cast ng My Husband’s Lover na kasama sa MHL US Tour. Sa December 10 ang balik ng grupo, kaya tinapos muna ng TomDen ang mga lakad na dapat tapusin.

    Kasama rito ang pagpirma nila ng one year contract bilang dagdag na endorsers ng MyPhone. Tumulong din sila sa telethon ng GMA-7 last Sunday at pagbalik, kasama sa ibang endorsers ng MyPhone sa isang benefit concert sa Dec. 14.

    Kinikilig ang TomDen fans dahil ang parents naman ni Tom ang maimi-meet ni Dennis habang nasa States sila. Una nang na-meet ni Tom ang parents ni Dennis sa premiere night ng Sapi. Excited na raw ang pamilya ni Tom na makilala si Dennis.

    Hindi mami-miss ng TomDen fans ang dalawa kahit wala sila dahil mapapanood ang guesting nila sa MYX Channel at baka ipalabas na rin ang music video nila ng Forever, carrier single ng TomDen album. Ini-edit na raw ang mv para ipalabas na.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here