PAREHO NANG hindi nagpa-followhan sa Instagram (IG) sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado after ng breakup nila.
Curious lang kami kung tuluyang dinelete o na-save nila ang pictures nila together for two years being a couple.
As of today, wala pang nagsasalita kina Luis at Jennylyn about their breakup. Si Luis, “We want to keep things private” ang sagot nang tanungin tungkol sa isyu. Hintayin natin at lalabas din kung bakit.
Tuloy ang buhay ng dalawa kahit break na sila at tuloy ang trabaho. Dawit si Dennis Trillo sa breakup nina Luis at Jennylyn dahil nadiskubre raw ni Luis na nakipag-date si Jennylyn kay Dennis.
Pero mas totoo ang rason na nag-fall-out of love sa isa’t isa sina Luis at Jennylyn. Halata sa kanyang facial expression na hindi comfortable si Dennis Trillo na nadadawit sa breakup nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
Pinag-react ito ni Lolit Solis nang mag-guest sa Startalk dahil nadamay sa breakup ng dalawa. Kumunot ang noo ni Dennis kasunod ang pagsasabing “hindi totoo ’yan” at “’di ko alam kung bakit ako nadadamay.”
Nagbiro itong nakakahiyang itanong ’yun sa harap ni “Beh” (Tom Rodriguez) na nasa show din dahil nag-promote sila ng kanilang TomDen album under GMA Records na agad pumalo sa iTunes Philippines.
Mabilis namang inabsuwelto si Dennis ng manager ni Jennylyn na si Becky Aguila dahil wala raw third party sa Jennylyn-Luis breakup. Sana nga, ’wag nang dagdagan ang isyu sa ex-couple ng kung anuanong tsika dahil they’re hurting.
As for Dennis, one year na raw siyang walang GF at sa career ang focus. After My Husband’s Lover, ang promo ng album at promo ng Sapi na showing sa November 6 ang pinagkakaabalahan.