Home Opinion ‘Dengvaxia,’ muling ipagamit?

‘Dengvaxia,’ muling ipagamit?

826
0
SHARE

KATANGAHAN itong naisipang gawin
ng kung sinong doktor sa DOH natin
na nagpanukalang pamuling gamitin
ang kontrobersyal na ‘Dengvaxia vaccine’.

Di pa nga malinaw ang isyu hinggil d’yan
kung ito’y mabisang bakunang panlaban
sa dengue o hindi, ating isusugal
ang buhay ng mga batang walang malay?

Kung saan ay di lang iilang kaso na
ang napabalitang imbes ang ‘Dengvaxia’
nakapagpagaling ay taliwas pala,
bakit isusulong na ipagamit pa?

Ang dami na nga r’yan itong sila’y kailan
naturukan nitong bakunang naturan
ay sinampalad na mapahamak lang,
di pa ba sapat na pagpapatunay ‘yan?

Na itong Dengvaxia’y di gamot pangontra
laban sa kung anong klase ng bacteria
o virus mayrun ang lamok na kakaiba
ang taglay na lason ng pangturok nila.

(Na masahol pa sa lamok sa Bataan
nang panahon ng Ikalawang Digmaan
ang taglay na virus, na panginginig lang
ang epekto ng Malaria noong araw.

At kung saan isa sa naging dahilan
ang lamok kung bakit ang ating militar,
mga gerilya’t sundalo ni Uncle Sam
sumuko, sanhi ng lamok na naturan).

Sa tantya kaya ni Secretary Duque,
may mga magulang at ‘guardians’ din pati
ng mga bata ang basta makumbinse
na magpabakuna dahil sa nangyari?

Na kung saan nga ay ‘thousands’ itong bilang
ng hinihinalang imbes ang Dengvaxia’y
pangontra sa Dengue ito ay pamatay,
sino pa ang kusang magpabakuna n’yan?

Kung ninanais ni Secretary Duque
na mapatunayan na ito’y di “deadly,”
siya at kung sinong ‘Undersecretary’
ang magpabakuna ‘in person publicly’.

Kasama pati na si dating Sec Garin
At pangulong Pinoy ay ipakita rin
sa mamamayan kung ang Dengvaxia vaccine
ay nararapat nga at ligtas gamitin.

Pero para gawing pang-‘testing’ lang nila
ang tangkang pag-gamit muli sa Dengvaxia
ay masasabi kong ibang usapan na
at sa ganang akin mga bobo sila.

Pinagkagastahan ng ‘millions of pesos’
ang pag-angkat nila sa akala’y gamot
pero hindi pala kundi pampatibog,
kung kaya kailangan silang mapanagot.

Na kahalintulad ng ‘reckless imprudence
In (driving) resulting to the untimely death
Of hundreds of children, for they had decided
To use a vaccine that had not been proven yet?

Kaya para muli nilang ipagamit
ang Dengvaxia para di tablan ng sakit
na dengue ang ating mga anak, bakit
di muna sila ang maunang gumamit?

Para patunayan sa harap ng madla,
na ang Dengvaxia tunay na mabisa
at ang taongbayan ay mapaniwala
nilang tayo’ng mali at sila ang tama?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here