Dengue tumaas sa Bulacan

    382
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Tumaas ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Bulacan ngayong taon habang limang bayan pa dito ang itinuturing na endemic naman sa sakit na Mallaria.

    Ito ay ayon kay Dr. Joy Gomez, ang provincial health officer ng Bulacan.

    Ayon kay Gomez, 572 na kaso ng dengue ang naitala sa buong lalawigan mula buwan ng Enero hanggang nitong ika-11 ng Agosto, 2010.

    Ito aniya ay mas mataas na 40 porsyento kumpara sa 364 na kaso ng nakaraang taon.

    Lima na umano sa biktima rito ang namatay at nasa edad 1 hanggang 15 taon ang nabibiktima.

    Sa kabila nito ay hindi pa naman umano ito maituturing na may dengue outbreak sa Bulacan.

    Ngunit kung ikukumpara kasi aniya ang kanilang talaan ngayon sa nakaraang taon ay kasama na nilang naitatala ngayon ang mga dengue cases sa mga pribadong ospital.

    Batay sa kanilang datos ay umakyat ang kaso ng dengue sa Bulacan mula ika-18 hanggang 24 nitong Hulyo kung kailan pumasok ang bagyong Basyang.

    Bagamat buong taon naman aniyang minomonitor ang dengue ay inaasahang tumataas nga ito kapag ganitong panahon ng tag-ulan.

    Ipinaliwanag pa ni Gomez na karaniwang mga mag-aaral o school children ang karaniwang nabibiktima ng dengue at posibleng sa mga paaralan nakukuha ang naturang sakit dahil sa mga naiipong tubig sa paligid nito.

    Dahil dito ay mayroon na rin daw silang pakikipag-ugnayan sa Department of Education.

    Bukod sa kaso ng dengue ay limang bayan pa sa Bulacan ang sinasabing endemic sa kaso naman ng malaria.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here