Demotion sa Juicy nina Alex Gonzaga at IC Mendoza isang malaking insulto

    523
    0
    SHARE
    Big deal para sa mga friends nina Alex Gonzaga at IC Mendoza ‘yung pagte-take over ni Inay Crity Fermin sa kanilang showbiz program na Juicy sa TV5.

    Magkakaroon nga ng major revision ang Juicy sa pagpasok ni Cristy Fermin dito.  Tigbak na ang mga regular reporter-panel dito na sina Rey Pumaloy, Morly Alino at Pete Ampoloquio.

    Pati ang main hosts na sina Alex Gonzaga at IC Mendoza ay magiging second fiddle na lang daw sa show. Ang tsika pa, magmimistulang field reporters na lang ang dalawa. Ito nga ang marakulyo ng mga friends nina Alex at IC, and their claim, sina Alex at IC ang nagtanim at nagbayo at nagsaing, pero  nang matulo, iba ang kumain.

    Magiging mala-Cristy-Per-Minute na raw ang Juicy kung saan kay Tita Cristy ang magiging main focus ng show. May mga nagre-react sa kampo nina Alex at IC dahil ang dalawa raw ang orig hosts ng Juicy tapos bigla na lang daw magiging supporting cast sa pagpasok ni Tita Cristy.

    Pagtatanggol naman ng isang TV5 insider, institusyon na sa showbiz si Cristy kumpara sa mga bagitong sina Alex at IC kaya hindi dapat kuwestyunin ang desisyon ng TV5 pagdating sa Juicy.

    Which is hindi nga naman maganda’ng explanation.

    Kasi nga naman, inaalisan na ng karapatang magbigay ng opinyon ang mga supoprters ng dalawa. O kaya naman, parang di na normal kung nag-react man sina Alex at IC. Natural, malaking insulto sa kanila ‘yun, kaya dapat, hayaan na lang silang maglabas ng saloobin.

    Anyway, may mga nagsasabi namang dapat ay big-yan na lang si Tita Cristy ng sariling daily show sa primetime na mala-SNN ang dating at hayaan na lang ang Juicy para sa mga bagets na sina Alex at IC dahil may sarili nang fanbase ang mga ito.

    Bukod sa Juicy, magkakaroon ng isa pang showbiz talk show si Tita Cristy tuwing Linggo kung saan makakasama niya sina Ruffa Gutierrez at Mo Twister na pantapat nila sa The Buzz at Showbiz Central.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here