Nakakapangamba ang babalang iniwan ni Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) sa Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan noong Biyernes, Setyembre 18.
Sabi niya: “Prepare for the worse!”
Ito ay dahil na rin sa nakatayo ang main dike ng Angat Dam sa ibabaw ng West Valley Fault o ang mahabang bitak sa ilalim ng lupa, na kung lilindol ay maaaring maghatid ng delubyo sa maraming bayan ng Bulacan.
Dasal ng mga Bulakenyo: “Huwag namang sanang mangyari!”
Hindi pa man nangyayari ang kitatakutang delubyo, ay isa ng delubyo ang sumalanta sa Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan.
Ito ay ang delubyo ng pagkakahati-hati, dahilsa bitak na bunga ng pulitika ng pagkakampi-kampi.
Ipapaliwanag ko. Noong Setyembre 8 ay nagkaisa ang buong Sanggunian na magsagawa ng isang imbestigasyon o pagdinig hinggil sa kalagayan ng Angat Dam matapos ang isang privileged speech ni Bise Gob. Wilhelmino Alvarado.
Nagka-isa sila noon na didinggin ang imbestigasyon ng buong Sanggunian bilang “committee as a whole.” Pero noong Biyernes, tatlo lamang sa kanila ang natira sa pagdinig hanggang sa iyon ay matapos bandang ika-6 ng gabi.
Ilan sa mga Bokal ay hindi dumalo sa pagdinig noong Biyernes. Ilan naman ay umalis agad matapos marinig ang pahayag ng mga opisyal ng Napocor at MWSS na walang crack o lamat ang dike ng Angat Dam tulad ng inilarawan sa mga balitang naunang lumabas sa telebisyon.
Totoo. Parang sapat na sa mga Bokal na Bulakenyo na “walang crack” ang Angat Dam, at hindi na sila intresado sa iba pang sasabihin ng mga opisyal na dumalo sa pagdinig.
Halos ganoon din ang naging ugali ng ilang opisyal ng Bulacan nang sila ay magsagawa ng isang biglang inspeksyon sa Angat Dam noong Linggo, Setyembre 13 sa pangunguna ni Gob. Joselito Mendoza kasama ang mga mamamahayag.
Parang sapat na sa kanila na madinig na “walang crack ang Angat Dam” at hindi nagsagawa ng pagsusuri sa mga dokumento ng Napocor at iba pang pasilidad ng Angat Dam.
Sa totoo lang, mukhang taliwas sa protocol ang ginawang biglang inspeksyon sa Angat Dam noong Setyembre 13.
Matatandaan na nagkasundo ang Sanggunian na magsagawa ng isang imbestigasyon sa pamamagitan ng pagdinig matapos ang privileged speech ni Alvarado noong Setyembre 8. Bakit umakyat agad sila sa Angat Dam samantalang hindi pa naisasagawa ang pagdinig sa bulwagan ng Sanggunian?
Kasi daw ay umakyat na si Alvarado sa Angat Dam noong Sabado, Setyembre 12 at nagpa-interview doon sa ABS-CBN at GMA 7.
Teka, ano bang klaseng pulitika ito? Unahan sa pagpapainterview sa media? Ang pamamahala ba ay paramihan ng interview at photo-ops?
Kung nagpainterview man si Alvarado sa noong Sabado, Setyembre 12 sa Angat Dam, kailangan bang sagutin iyon ni Gob. Jonjon at mga kakamping Bokal nang isa ring interview?
Hindi ba dapat ay nagsagawa muna sila ng isang malalim na pagsusuri at pag-aaral bago humarap sa kamera at mikropono ng mga media?
Kasi daw ay dapat mabalanse ang lumabas na balita sa telebisyon na may crack ang Angat Dam na ipinangamba ng maraming Bulakenyo.
I see, nais nilang pasinungalingan yung balitang may crack ang Angat Dam. Pero hindi ba dapat ay Napocor at Phivolcs ang magbigay ng pahayag doon o kaya ay gumawa ng inisyatiba upang magpaliwanag?
Ngayong nasabi na ng Napocor at MWSS na walang crack ang Angat Dam, mukhang satisfied na ang mga Bokal ng Bulacan.
Ano naman kaya ang kanilang gagawin sa babala ni Solidum? Magpapa-interview ba uli sila at sasabihing, “hindi pa mangyayari iyan?”
Kung ganyan ng ganyan ang magiging pamamaraan ng pamamahala, malamang na abutan nga tayo ng delubyo.
Dapat talagang magsuri ang mga Bulakenyo upang hindi na lumawig ang governance by press release, maging ang reaksyunaryong pulitika na umiinsulto sa talino ng lahing pinagmulan ng mga dakilang bayani at natatanging alagad ng sining.