Home Headlines Delta, winner sa 3 surveys

Delta, winner sa 3 surveys

1294
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO —Si Pampanga Gov. Dennis ‘Delta’ Pineda ang pinili ng bulto ng respondents sa mga surveys na isinagawa ng tatlong respetadong organisasyon, dagdag sa posibilidad ng kanyang panalo para sa ikalawang termino.

Ayon sa Argus Polls Inc., si Pineda ang pinili ng 20,111 na botante o 81 percent ng kabuuang 24,772 katao na na-survey sa apat na distritong sumasaklaw sa mahigit 500 na barangays sa lalawigan nitong Enero.

Ang tanong ng Argus sa mga respondents ay: “Kung ngayon ang araw ng eleksyon, sino ang iyong ihahalal para sa posisyong nakasunod (para gobernador, halimbawa)?”

Si Pineda rin ang wagi sa survey na isinagawa ng Solidarity Against Fraudulent Elections (SAFE) 2022-Philippines sa 19,068 respondents sa sentrong lungsod ng San Fernando nitong Pebrero.

Sa tanong kung sino ang iboboto nila kung ang halalan ay gagawin ngayon, si Pineda ang pinili ng 80.5 percent ng sumagot.

Sa survey ng pahayagang The Voice na natapos nitong February 25, si Pineda ay nakakuha ng 16,459 boto na 83.25 percent ng kabuuan.

Ang karibal ni Pineda na si Danilo Baylon ay pinili lamang ng 4,661 o 19 percent ng respondents sa Argus survey, 14.49 percent ng respondents sa SAFE survey, at 3,311 o 16.75 percent ng respondents sa The Voice survey.

Batay din sa parehong survey ng Argus sa Candaba, nanguna si reelectionist Mayor Rene Maglanque ng 72 percent, kontra sa 28 percent ni Aniway, asawa ni Baylon.

Sa Floridablaca, si reelectionist Mayor Darwin Manalansan ay pinili ng 44 percent ng mga respondents; Dr. Allan Policarpio, 29 percent; at dating Mayor Eddie Guerrero, 27 percent.

Sa Sta. Ana, si reelectionist Mayor Norberto Gamboa ay nakakuha ng 60 percent; Reinhart Guevarra, 28 percent; at Dennis Pangan, 12 percent.

Sa Mabalacat City, si reelectionist Mayor Cris Garbo ay pinaboran ng 63 percent ng respondents; Marino Morales, 33 percent; at Diosdado Pangilinan, 4 percent.

Random sampling at face-to-face interviews ng mga household-based respondents ang paraang ginamit ng Argus. Ang bilang ng respondents ay kumatawan sa 2 percent ng voters sa barangays.

Karamihan sa respondents ay galing sa D at E classes, nakatapos ng high school at edad 31 pataas. Ang mga babaeng respondents ay bumilang ng 52 percent at ang mga lalaki ay 48 percent

Ang survey ay may 0.63 percent margin of error.

Ang SAFE survey ay isinagawa ng limang teams na gumamit ng face-to-face interviews sa mga respondents na nakita sa daan sa 35 barangays. May error margin ito ng hanggang +/- 2.26 percent.

Ang survey ng The Voice ay isinagawa online.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here