Home Opinion ‘Death penalty is being suggested to reinstate’

‘Death penalty is being suggested to reinstate’

705
0
SHARE

KINAKAILANGAN na talagang ibalik
ang parusang bitay na kailanma’y higit
na mabisa upang itong mga adik
sa laman tumino na ang pag-iisip.

At magsilbing aral ito sa iba pa
ang makakita ng nagpupumiglas na
rapist habang ito’y tinuturukan siya
ng kung anong klaseng pamatay na droga.

At ang tanging hiling siya’y patawarin
sa ginawa, na matapos gahasain
ang biktima ito’y nagawang patayin,
at di naisip ang puedeng kasapitin?

Kung saan ang pina-kamababang hatol,
‘life sentence’ kundi man ng ‘lethal injection’
(na ipinatigil ng naging Pangulong
GMA, sa di ko matukoy na rason).

Na nagresulta sa biglaang paglobo
ng halos lahat ng mabigat na kaso,
tulad ng pagpatau at pang-aabuso
liban sa iba pang ‘punishable by law’.

Sa puntong marapat nang muling ibalik
ang ‘death’ sana ay di lang para sa ‘rapists
kundi pati itong sa ‘illegal drug’ sabit
na mga opisyal nating mga ganid.

Na lubhang eksperto sa pangungulimbat,
money laundering’ at gawang paninikwat
sa kaban ng bayan ang mga hayupak
na ‘lawmakers’ nating di takot sa batas.

At dahil higit na mas marami yata
itong ‘anti death’ o tutol ibalik nga
ang bitay… aywan lang kung ang panukala
ng mga ‘pro-death’ ay agad maisagawa.

Sanhi na rin nitong kapag hinayaan
nilang maibalik ang parusang bitay
ay baka sila ang unang ‘masampolan’
kaya sila’y ilag muling buhayin ‘yan?

Sana naman sa’ting mga bagong salta
sa Congress at Senate, tulad ni Go, saka
nina Tolentino, Bato dela Rosa,
at Imee Marcos ay magkaisa sila;

Na maisulong ang pagkatig na muli
sa ‘capital punishment’ tulad ng dati,
nang sa gayon itong ulikba ang budhi
ay magpagbago ang masamang ugali.

At kung saan kapag naipairal ganap
itong napipintong ‘i-repeal’ na batas,
ang mga ‘rapists’ at ‘courier’ nitong labag
na gamot tuluyan na nating malansag.

Sanhi ng pagbuhay muli sa parusang
bitay, na kagaya ng ineksyong lethal,
na ipinatikim sa isang Echegaray;
tiyak marami na ang mahimasmasan.

At di na matuksong gawan ng masama
ang anak ni Eba’t ikapariwara
ng sarili oras na maisagawa
ang pag-iral muli ng bitay sa bansa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here