I
Ang sabi kamakailan nitong HUMAN RIGHTS COMISSION
pagpataw ng DEATH PENALTY diumano’y di solusyon
sa mga public officials na nasangkot sa KORAPSIYON
at ibang KATIWALIANG talamak sa bansa ngayon
paglilinaw ng CHR labag ito sa probisyon
sa ilalim daw ng 1987 CONSTITUTION
II
Anila ang death penalty di kailangang ipatupad
kahit na ang pulitiko ay GUILTY sa pangongorap
at maging sa ibat-ibang uri ng kriminalidad
di raw dapat mahatulan ng parusang FIRING SQUAD
repormang pampulitika lamang daw ang tanging lunas
upang ang katiwalian ay hindi na lumaganap
III
Anong political reform ang kanilang sinasabi?
ito ba’y may kaugnayan sa political dynasty?
o sa mga sari-saring mga political party
na sa ating inang bayan patuloy na dumarami
sa anyo ba ng gobyerno tulad ng parliamentary
ng federal, monarkiya, republican at anarchy ?
IV
Kahit anong uri pa ng gobyerno mayroon tayo
takbo ng pamahalaan ay hindi na magbabago
hanggat di napapalitan yaong mga nakapwesto
mga ganid sa tungkulin at tiwaling pulitiko
kahit ano’ng ating gawin malabo ang pagbabago
kung mali ang sistema sa pagpili ng kandidato
V
Maraming di sang-ayon sa sinasabi ng CHR
sa anilang di solusyon ang parusang kamatayan
lalo na sa pulitikong tila walang KABUSUGAN
sa PAGNANAKAW sa kaban nitong ating inang-bayan
di hamak na masahol pa ang kanilang KABUKTUTAN
sa gawain ng PIRATA at mga taong TULISAN
VI
Dahil sa katiwalian walang habas na KORAPSIYON
marami ang naghihirap at ang mga NAGUGUTOM
tila ang CHR pa ang nagbibigay ng PROTEKSIYON
sa mga taong kriminal at sa mga MANDARAMBONG
hindi SAPAT na parusa na sila lang ay makulong
dapat sila ay BITAYIN at sa lupa ay ibaon
VII
Ang COMISSION ON HUMAN RIGHTS ang dapat na PURSIGIDO
sa DEATH PENALTY laban sa mga masamang tao
paano ang karapatan ng maraming PILIPINO?
na biktima ng tiwali nating mga PULITIKO
dapat lipulin lahat ng isinugo ng DEMONYO
na NAGHAGHASIK ng lagim sa ibabaw nitong mundo