(Karugtong ng sinundang isyu)
AT ANG iba ay di natin ay di masisisi
dahilan na rin sa kalimitan kasi
ay sa hanay nga ng kapulisan pati
nakaranas yan ng tulad ng nasabi
At kung saan pati mabubuting pulis
ay nasisira at di kanaisnais
na katawagan ang madalas ikapit
ng iba nang dahil sa sila’y malimit
Na mabahiran ng kawalang tiwala
ang dati ay lubos na pagtitiwala
ng bayan sa ‘men in unform’ ika nga,
na ngayon ay unti-unting nawawala.
Bunsod na rin nitong sila kadalasan
Ang itinuturong utak o ‘mastermind’
Ng mga ‘notorious’ na salot ng bayan
Sa halos lahat ng bagay na illegal
Kaya papaanong itong pagtutulak
ng bawal na gamot at kahalintulad
ng nakasisira sa matinong utak
ng balana ay di magiging talamak?
At itong lulong na sa naturang droga,
na gaya ng shabu’t saka marijuana
ay basta makontrol mismo ng pulisya,
kung ang pasimuno ay kabaro nila?
Kung saan dulot n’yan ay natural lamang
na lalong darami itong ‘nabubuwang’
at magiging salot sa ating lipunan,
partikular na ang mga kabataan;
Liban sa iba pang tama’t may edad na
at dapat ay maging uliran at giya
sa mabuting gawa ng batang eskwela,
pero sila pa ang tila nangunguna
Sa imoralidad at bagay na labag
sa’ting konstitusyon o saligang batas,
gaya ng ‘teachers’ na ngayo’y nahaharap
sa iba’t-ibang kaso na napakabigat;
Tulad halimbawa ng pagmolestya n’yan
sa estudyante na dapat ay gabayan
at maturuan ng kagandahang asal,
pero siya itong nanggahasa riyan.
Buti na lang at di nakuhang patayin
ng ‘rapist’ ang bata ng dahil marahil
sa nakatakas yan mismo sa salarin
bago ang pagpatay ay naisip gawin
Di gaya riyan nitong nagiging biktima
ng mga talamak na ‘rapist’ talaga,
na bago iwanan, kung saan dinala
ay walang awa na pinapatay nila
At ang lalong higit na kalunos-lunos
ay kung bakit pati mga batang musmos
na kasisilang lang naatim ng bugok
na rapist, idaos ang sobra niyang libog?
At ang mas matindi’t nakaririmarin
ay kung bakit nagawa pa niyang patayin
gayong ya’y wala pang alam na sabihin,
para isigaw kung sino ang salarin?
Kung itong gumawa r’yan ng kabuhungan
ay di bangag yan sa ipinagbabawal
na drogang ang lubos na nakikinabang
yy itong hayok sa pagkakakitaan
Na kahit batid n’yan na ikapahamak
ng kapwa tao’y di alintana’t lahat;
Kaya maliban sa ibalik at sukat
ang ‘death penalty’ ay wala ng lunas
Upang ang ‘heinous crime’ sa loob ng bansa
ay lumiit kundi man lubos mawala,
pagkat maliban sa ya’y ibalik kusa,
ang krimen ay lalong lolobo nang bigla!