Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang malaman ko ang balita na kayo ay dumadaan sa matinding pisikal na pagsubok dulot ng isang karamdaman. Alam mo ‘Nay, mahina ang loob ko pag dating sa usaping ganyan. Takot nga akong tumuntong ng hospital o kaya ay dumalaw sa isang taong may-sakit. Gawa ito siguro ng matinding dinanas ko sa aking sariling ina na matagal ring naratay sa banig ng karamdaman.
Kapag nakakakita ako ng isang may-sakit, laging sumasagi sa isip ko ang mahirap, malupit at masakit na pinagdaanan ng aking ina nang siya ay nagkasakit ng mahabang panahon. Isa pa, ayoko kayong makita na mahina at may karamdaman dahil ang nais kong mamalagi sa aking isipan ay si Nanay Fely na matapang, masigla, palangiti at palatawa, at may pananaw sa simpleng buhay at kaligayahan.
Gayunpaman, at habang ako ay kumukuha ng lakas upang masagupa ang sarili kong trauma at takot sa mga taong may sakit at karamdaman, aking idinaan na lamang sa matinding mga panalangin ang lahat ng inyong pinagdadaanan sa kasalukuyan.
Kahit nga hindi ko kilalang mga Santo ay aking pinagdadasalan sa tuwing ako ay nagagawi sa simbahan o sa tuwing titingala at makakakita ng mga ulap sa kalangitan.
May sariling dahilan ang Panginoon sa lahat ng bagay na ating pinagdadaanan. Sabi nyo nga noon nang pinag-uusapan natin ang pag-asenso ng inyong butihing anak at ang kahirapan naman ng isa pa naming kaibigan: “Marunong ang Diyos at may sarili Syang dahilan sa lahat ng bagay na nangyayari sa atin.”
Pati nga nang mamatay si tatay, ang butihin ninyong kabiyak, ang sabi nyo ay “Kagustuhan ito ng Diyos.” Dito, nakita ko sa inyo ang paniniwala na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, masaya man o malungkot, maligalig man o panatag, masakit man o puno ng kasarapan, ay may pahintulot ng Panginoon.
Sa pinagdadaanan ninyo ngayon, alam ko na maluwag ninyo itong tinatanggap bilang isang bagay na kaloob ng Diyos…gaano man kasakit, gaano man kahirap… alam ko na itinuturing ninyo ang mga pangyayari na isang bagay na may dahilan at patutunguhang maganda at kaaya-aya.
Iyan ang isang karakter na nakita ko sa inyo. Isang karakter na minana sa inyo ng inyong anak at ginamit niyang sandata sa kanyang pag-asenso sa buhay.
Kahit ako, sa tuwing nakakaranas ako ng problema, kayo ang naaalala ko at ang katangiang napakagaan ninyong natatanggap ang mga problema at nakukuha pang ngitian ang mga ito. Higit sa lahat, gumagawa kayo ng paraan upang labanan ang mga problema at gawing maganda ang inyong pamumuhay.
Hindi matutumbasan ng anumang kayamanan ang uri ng pag-aaruga na ipinamalas ninyo sa inyong mga anak. Pati nga ako ay nadamay din sa katatagan ng inyong mga prinsipyo at adhikain sa buhay.
Kaya naman sa mga panahong ito, alam ko na may ngiti ninyong hinaharap ang lahat ng mga pagsubok. Pisikal na anyo lamang ng pagsubok ang inyong dinadanas sa kasalukuyan. Alam ko na ito ay inyong malalampasan.
Patuloy kayong kumapit sa Panginoon na simula pa lamang noong una ay siya na ninyong kinapitan at hiningan ng tulong. Kung anuman ang gusto nya ay mangyayari at magaganap. Maaring dinggin niya ang kagustuhan ng ating puso, pero kung sakaling taliwas ang mga magaganap, mayroon Siyang sariling dahilan na kailangan nating tanggapin ng lubos.
Nay, magpagaling ka ng lubusan. Marami akong atraso sa iyo sa hindi ko pagbisita. Kahit hindi tayo nagkikita, alam ko na sa mga puso natin ay mananatili ang ating mga pinagsamahan. Iyong lupa sa Sta. Rita Memorial na iniwan ni lola, pasensya ka na kung hindi ko siya natapos.
Ang katotohanan ay talagang nahihirapan ako sa pagpapatitulo ng lupang iyon dahil sa kawalan ng mga references at iba pang technical na bagay. Gayunpaman, nagkausap na kami ng inyong anak at umasa kayo na ginagawa na ang lahat upang maisaayos ang lupang ito. Kaya huwag na ninyo itong alalahanin. Bigyan ninyo na lamang ng pansin ang inyong pagpapagaling.
Nay, sana ay magpatuloy ang mga ngiti sa inyong mga labi, ang ningning at kislap ng inyong mga mata at ang mga pilosipiya ninyo ukol sa pag-asa at pag-ibig sa Diyos. Huwag kayong dadaigin ng mga problemang pisikal. Kung anuman ang mangyayari, ang lahat ay may dahilan. Mabait, mapagkalinga at mabuti ang ating Panginoon.
Nagmamahal,
Bong Endona