nitong nakalipas lang na ilang gabi
kaugnay ng ‘Senate Hearing or Inquiry,
re: extra judicial killings,’ nagpatindi
Sa hinala nina Gordon, Paquiao, Lacson
at iba pang mga ‘Prosecutor/ Solon,
na di malayong si Albuera town Mayor
Espinosa’t isa pang ‘detainee’ roon
Ay maaring yan ay pinlano talaga
na patahimikin kaya itinomba,
nang sa gayon di n’yan magawang ikanta
ang iba pang sangkot sa bawal na droga?
Na posibleng hanggang sa kasalukuyan
ay patuloy pa ring nasa sa likuran
ng mas malalaking transaksyong di kayang
sugpuin basta ng kinauukulan.
Kaya ang suspetsa r’yan ng ‘prosecution’
sa ‘still on-going Senate Hearing’ ngayon,
base sa sarili na ring deklarasyon
nitong sa isyu yan akusado ngayon
Ay mapagtatanto na ang karamihan
ng isinasagot n’yan sa katanungan
ay lihis sa tamang proseso at hakbang,
dala marahil ng grabeng kapalpakan.
Gaya nitong pag-‘serve‘ng dalang ‘search warrant’
na bago gawin ay magsagawa dapat
ang naatasang sa utos magpatupad
nang na-aayon sa‘ting Saligang Batas.
Pero di ginawa at basta na lamang
‘by force,’ pinasok ang kinapipiitan
ni Mayor at itong isang ‘detainee’ pang
suspect din sa gamot na pinagbabawal.
Yan ay masasabing ‘abuse of discretion’
o taasang kawalan ng koordinasyon
ng CIDG at kapulisan doon,
na di nakapalag sa oras na iyon.
At ya’y paglabag din namang maituturing
sa ‘protocol’ at wastong alituntunin
nitong sa ‘place of incident’ ay dumating
ng ni pasintabi di naisip gawin.
At basta na nga lang pinasok at sukat
ang selda ni Mayor Espinosa at Yap,
upang i-serve daw ang naturang ‘search warrant’
nang madaling-araw? (At di nagpa-bukas!)
Kailangan pa bang dakpin ang nakakulong?
O sadyang ang pakay sa pagtungo roon
ay patahimikin si Albuera Mayor
Espinosa at Yap sa oras na iyon?
Kaya lang, sa puntong si Leila de Lima,
na isa ring suspect sa bawal na droga,
pero haya’t isa sa panel kumbaga
ng ‘prosecution’ ay dapat magbitiw siya
O mag-inhibit sa pagdinig sa kaso,
sanhi ng siya ay tinuturo mismo
ng mga ‘inmates’ na kaalyado nito
sa napabalitang ‘protector’daw ito?
Ng mga ‘Drug Lords’ sa Pambansang Piitan,
kapalit ng ‘millions of pesos’ na bigay
na ‘campaign money’ nang tumakbo siya bilang
Senador – (at ito ay nanalo naman).
Kaya marapat lang sa nasabing punto,
na huwag na lang siyang sumawsaw siguro
sa isang bagay na siya’y akusado
rin naman sa mata ng maraming tao!