Nakakita ka na ba ng de-kuryenteng pulgas at naiiwang anino sa pader?
Hindi pa. Eh, yung makahawak ng kidlat?
Hindi, ako nagbibiro. Totoo lahat ang binanggit ko.
Lahat ng iyan ay iyong makikita sa Adventures in Discovery-Traveling Science Centrum (AID-TSC), isang mobile exhibition ng nakakatuwa at kakaibang Science Centrum ng Marikina.
Ang AID-TSC ay matutungyahayan sa Yongden Science and Technology Compound sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Brgy. Tabang, Guiguinto Bulacan mula Agosto 24 hanggang Oktubre 3, sa pagtutulungan ng Philippine Foundation for Science and Technology (PFST) at ng Dangal ng Bulacan Foundation (DBF).
Matatandaan na noong nakaraang taon ay inihatid sa Bulacan ng PFST at ng DBF ang Sci-Fun Caravan, ang isa pang isang mobile exhibition Science Centrum ng Marikina.
Nakakatuwa rin ang mga exhibit ng Sci-Fun Caravan noong nakaraang taon. Kabilang doon ang nagsasayaw na bulate na kinagiliwan ng mga kabtaang Bulakenyo.
Kaya naman sa taong ito ay tiniyak ng PFST at ng DBF na magbabalik sa Bulakan at muling matutunghayan ng mga kabtaang Bulakenyo ang mga mga kakaibang exhibit ng Traveling Science Centrum.
Ayon kay Science and Technology Undersecretary Fortunato Dela Pena na dating pangulo ng DBF, lubhang mahalaga para sa mga kabataan ang matunghayan at mapaglaruan ang ibat—ibang exhibit ng Traveling Science Centrum upang mapukaw ang kanilang isipan sa mga nagagawa ng agham at teknolohiya.
Binigyang diin pa ni Dela Pena na kasalukuyan, karaniwang sa mga kabataang Pilipino ay taga-gamit o user lamang ng mga imbensyong hatid ng makabagong agham at teknolohiya katulad ng mga cellular phone, computer at Ipod.
Simple ang pananaw ni dela Pena. Sinabi niya na kung hangad natin ay higit na kaunlaran, hindi tayo dapat maging user lamang, dapat matutunan din natin paggawa ng mga bagong imbensyon.
Isa sa mga paraan upang magkainteres ang mga tao, partikular na ang kabataan sa agham at teknolohiya ay ang pagpapakita sa kanila ng mga imbesyon katulad ng traveling science centrum kung saan ay matututunan ang mga pangunahing prinsipyo ng agham at teknolohiya.
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit sa ikalawang sunod na taon at pinilit ni Dela Pena atng DBF na maibalik sa Bulacan ang travelling science centrum.
Para sa kanya, ang pagtuklas ng mga panibagong imbensyon ay nagmumula sa pagmamasid na hatid ay pagkakaroon ng interes dahil sa nahahamon ang kanilang kakayahan.
Sa diwang ito, nais kong hamunin ang bawat isa na tuklasin kung paano nagawa ang de kuryenteng pulgas, kung paano naiiwan ang anino sa pader at kung paano nagagawang hawakan ang kidlat.
Dayuhin po natin ang Yongden Science and Technology Compound sa bayan ng Guiguinto, Bulacan at tunghayan ang mga nakatutuwang exhibit ng Adventures in Discovery-Traveling Science Centrum (AID-TSC).
Ooops, huwag kalimutan na isama ang inyong mga anak, pamangkin, kapitbahay at mga kaibigan. Malay ninyo, baka sila naman ang makatuklas kung paano gumawa ng digital garapata, o kaya’y invisible cellphone.
Imagine, yung cellphone, dati ay text at tawag lang ang nagagawa, ngayon ay may camera, radio, video, TV pa. Kailan kaya maiimbento yung pangarap kong cellphone na may washer at dryer, para kahit saan ay puwede maglaba ang tulad kong busy?