Home Opinion ‘DBM Sec Diokno in hot water’

‘DBM Sec Diokno in hot water’

594
0
SHARE

MATINDI ang akusasyon ni Andaya
laban kay Budget Sec Diokno hinggil sa
budget ‘insertion’ na nagkakahalaga
ng sitenta’y singko (75) bilyones, aniya;

At kung saan para lamang daw paboran
ni DBM Sec Diokno ang balae n’yan,
na isang ‘contractor’ ay kanyang nagawan
ng paraang ang DPWH dagdagan

Ang ‘allocated budget’ nitong nasabing
ahensya ‘by way of self budget inserting
into our national fund for 2019,’
para lang pagbigyan ang anak marahil.

Pero itinanggi ni Diokno na mayrung
kumbaga ay tuwirang partisipasyon
ang anak, na isang ‘Triple A Contractor’
itong umano ay kanyang ‘father-in-law’.

Kung saan ito ang nakakuha lahat
yata halos nitong malalaking ‘contract,’
na pina-’bid’ at kung saan din na-’award’
ang ‘worth billions’ nang walang kahira-hirap.

Subalit hayan at ayaw ngang harapin
ni Diokno ang imbitasyong pinarating
ng Kamara para sa anumang ‘hearing,’
na kinakailangan nga nitong siputin.

Nangangahulugan na itong patuloy
na pagtangging harapin ang pagpupulong
ay totoo ang sa kanya kinukwestyon,
na ginawa nga ni Diokno ang ganoon.

Aywan naman natin sa ating Pangulo
kung bakit di niya atasan si Diokno
na harapin niya sa ating Kongreso
ang anumang sa kanya ibinabato.

Nang sa gayon maipa-gtanggol ang sarili
sa isyung sa kanya di niya ikapuri,
kundi bagkus ikasira riyan pati
ng kanyang anak at mga kabalae.

At maging ang ating Presidente mismo
ay di rin ligtas sa puna ng publiko
sa patuloy na pagkunsinte kay Diokno
na di n’yan harapin ang bagay na ito.

‘Yan ay malinaw na ‘abuse of discretion’
ni Sec Diokno ang siya ay basta magpatong
ng dagdag pondo o ng ‘budget insertion’
nang walang permiso ang administrasyon.

Partikular na r’yan ang Congress at Senate
bago pa iyakyat sa ‘chief executive,
as no one of the cabinet secretaries
can decide such a thing as Sec Diokno has did’.

Kung ‘yan ay totoong ginawa nga niya
nang hindi man lamang nga n’yan kinunsulta
kay Pangulong Digong ang ‘insertion’ basta
ng ‘billions of pesos’ na kaduda-duda;

Ang pagka- ‘release’ nyan kaya kinukwestyon
nitong ating mga mabusising Solons
ang posibilidad, na si Diokno mayrung
natanggap ika ngang malaking komisyon

Na bigay syempre ng kanyang kabalae
bilang pakunsuelo at pakimkim bale,
na ang karaniwang tawag ay SOP
para sa ika nga ay buwayang kati?

(May karugtong)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here