Dayuhan iginapos, pinagnakawan

    291
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY–-Milyong pisong halaga ng mga personal na kagamitan at pera ang tinangay ng di pa mabatid na mga magnanakaw nang kanilang pasukin ang tinutuluyang bahay ng isang British at dalawang Pakistani sa No. 1867- B, Benneth Road, Barangay Old Cabalan sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Narso Khan, 38, isang British national; Faisal Rahim, 43, at Mohamad Ilias, 32, pawang mga Pakistani naman. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kumakain ng hapunan ang mga biktima nang isang nagngangalang “Jasmine” na kakilala ni Mohamad ang naiimbitahan para magsilbing “receptionist,” subalit hindi sukat akalain ng mga biktima na may kasama pala itong tatlong kalalakihan na nakapasok na sa loob ng kanilang bahay na pawang armado ng di mabatid na kalibre ng baril.

    Habang kumakain ang mga biktima ay tinutukan sila ng baril ng mga suspek, pinaluhod, iginapos ang paa at kamay at binusalan ang bibig, ikinulong sa isang kuwarto at saka nagsimulang maghalughog ang mga suspek sa buong kabahayan.

    Tinangay ng mga suspek ang may mahigit sa kalahating milyong pisong cash, $500, 20,000 Pakistan rupees, mga cellphones at iba pang personal na gamit na umaabot sa P100,000.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here