Home Headlines Daycare moving up ginawang house-to-house dahil sa ECQ

Daycare moving up ginawang house-to-house dahil sa ECQ

923
0
SHARE

Masayang ipinagmalaki ng mga ina ang kanilang mga anak na nabigyan ng kanilang certificate of completion sa mismo nilang bahay. Kuha ni Rommel Ramos



PLARIDEL, Bulacan — 
Gawa ng enhanced community quarantine, natigil ang dapat sanang moving up ceremony ng 1,500 daycare pupils nitong nakaraang buwan.

Dahil dito ay ginawa na lamang housetohouse ng lokal na pamahalaan ang seremomya na tinawag na “Batang may Laban sa Covid-19.”

Ayon kay MSWDO chief Theresa Viernes, ang mga mag-aaral ng 29 na daycare centers dito ang binahay-bahay nila para ibigay isa-isa ang certificate of completion.

Ngunit para mas maging memorable ang moving up ceremony ay may background music pa ito ng graduation march.

Binabasa kada bahay ang certificate of completion ng isang estudyante para kumpleto ang seremonya.

May mga special awards din para sa mga ilang mga estudyante gaya ng award for most active, well behaved at neat and clean.

Hinati ang grupo sa apat na batches para mapanatili ang social distancing at mas mapabilis ang seremonya. 

Kasabay ng graduation ay niregaluhan na rin ng lokal na pamahalaan ang mga daycare pupils ng gatas, cereals, at vitamin C.

Masaya naman ang mga magulang ng mga estudyante dahil nairaos ang moving up ceremony ng kanilang mga chikiting.

Bagamat aminado sila na iba daw kung talagang may seremonya na sama-sama sa iisang okasyon at papanhik ang mga bata sa entablado, ngunit dahil sa peligro ng coronavirus ay natutuwa na rin sila at naidaos ng maayos ang graduation.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here