Dawn Zulueta, Gerald Anderson mahusay sa eskenang iyakan

    367
    0
    SHARE

    SA TOTOO lang kung ilang beses na kaming pinaiiyak nina Dawn Zulueta at Gerald Anderson sa mga eksena nila sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

    Sobrang nakaka-relate kami sa pagdurusa ng karakter ni Dawn as Zenaida na napagbintangan ang anak ng rape gayung wala naman itong kasalanan.

    Napakasakit nito para sa isang ina at talaga namang naipakita ito ni Dawn nang buong ningning. Ang husay-husay niya sa kanyang mga eksena lalung-lalo na nang masentensiyahan na ang kanyang anak na si Miguel (Gerald).

    Grabe, iyak kami talaga nang iyak. Para sa amin, ang Bukas na Lang Kita Mamahalin ang best performance ni Dawn as an actress sa buong career niya.

    Mahusay din siya sa Walang Hanggan pero na-surpass pa niya ito. Wise decision talaga na tinanggap ng aktres ang proyektong ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here