Dawn Jimenez playgirl

    389
    0
    SHARE

    PAGKATAPOS matsismis kay Gerald Anderson, kay Matteo Guidicelli naman nali-link si Dawn Jimenez.

    May tsikang lumalabas na binisita niya ang aktor sa set ng Saturday Night Chills.

    While it’s true na talagang nagpunta siya sa set, hindi raw si Matteo ang purpose ng kanyang pagdalaw kundi ang line prododucer na friend ni Dawn at hindi naman siya nag-iisa nang nagpunta siya. Kasama niya ang grupo nilang friends din ng line producer.

    Pero kung sakali mang totoo na si Matteo nga ang kanyang dinalaw, wala naman sigurong masama dahil long-time friend niya ang aktor since Penshoppe days pa. Pareho silang nagsimula as endorser ng Pehshoppe at fi ve years silang nagkatrabaho (2004-2009) roon. Practically, they grew up together at noon pa ay close na sila.

    Noon pa laging sinasabi ni Dawn na hindi siya ang tipo na magsi-settle for being no. 2 at hindi siya ang tipo na nang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend. Anyway, after On The Job movie kung saan napansin si Dawn bilang kapareha ni Gerald, she’s doing another movie now with Enchong Dee.

    Busy rin siya sa mga guestings sa ABS-CBN shows tulad ng ASAP 18, Maria Mercedes and Maalaala Mo Kaya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here