Dating reporter, live-in partners pinagbabaril, patay

    305
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales –Dead on-the-spot ang isang dating tabloid at radio reporter at ang mag-live-in partner nang ang mga ito ay pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Purok 3, Daan Naugsol, Barangay Manganvaca, sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

    Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station, ang mga biktimang sina Salvador Zamuco Jr., 48, tubong Cotabato City, dating reporter ng local newspaper Olongapo Express at Radio DWIZ at residente ng Purok 1, Barangay Naugsol, Subic, Zambales; at ang mag live-in partner na sina Melvin Espiritu, 30, alyas Parog, at Melody Iloco, alyas Poday, pawang residente ng Purok 1, Paradise St., Barangay Matain, Subic, Zambales.

    Sa imbestigasyon ng pulisyan, sakay ng single motorcycle na may plakang 4182-OE ang mag live-in partner at pagsapit sa Daan Naugsol ay saka sila pinaulanan ng bala ng di kilalang mga suspek.

    Si Espiritu ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan mula sa kalibre 45 baril, samantalang si Iloco ay isang tama ng bala sa ulo, samantalang si Zamuco ay nagtamo ng tama ng bala sa dibdib.

    Ayon sa ulat si Zamuco ay papauwi na sa kanilang bahay sakay ng Rusi single motorcycle na may plakang 036406 nang mapadaan ito sa lugar na pinangyarihan ng krimen at nakita nito ang pangyayari kung kaya binaril din ito ng mga suspek.

    Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo at isang slug ng kalibre 45 baril na ginamit sa pagpatay sa mga biktima at ang motorsiklo na pagmamay-ari ng mga biktima. May hinala ang pulisya na may kinalaman ito sa pautang o di kaya’y onsehan umano sa droga ang motibo sa pagpatay.

    Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Subic PNP para matukoy ang mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here