Dating manager ni Ronnie Liang nagtangkang magpakamatay

    443
    0
    SHARE
    Noon pa namin narinig ang tsismis na nagtangkang magpakamatay sa US ang dating manager ni Ronnie Liang na si George Roca. Like we all know, sumama nang todo ang loob ni George sa alagang Kapampangan dahil sa binalewala siya nito at kumawala sa kanya. Noong una, okey lang kay Ronnie na mawala si Ronnie pero nang nasa US na raw ito, inabot ng matinding depresyon kaya nagtangkang magpakamatay.

    Kinalimutan na lang naming ang tsismis thinking na walang katotohanan ito. Kumbaga,we dismissed it as a stupid gossip.

    Until we chance upon Ronnie Liang sa Star Awards |For TV nitong nakaraang Linggo. We asked Ronnie about the thing and he assured us na walang katotohanan yung bintang na nagpakamatay nga si George.  “Okey siya, ang alam ko, masaya’ng buhay niya doon, marami siyang shows,” sabi pa nito.

    “Basta wala pong isyung ganyan, kami ni George we maintain our communication, magkaibigan po kami,” pahabol pa nito.

    We also asked Ronnie kung totoong binitiwan na siya ng bagong manager na si Arnol |Vegafria. Si Arnold ang pumalit kay George and in fact, naipasok na niyang Regal Baby si Ronnie sa Regal Films.

    Ayon kasi sa mga tsika, sobrang kulit daw ni Ronnie kay Arnold dahil sa lagi itong naghahanap ng project. Sa inis daw ni Arnold, pinakawalan na lang niya si Ronnie.

    “Not true, ang totoo, wala na ako sa poder niya, pareho na rin naming gusto. Pero hindi totoo na makulit ako. Siguro, totoo na tinatanong ko siya, but that was only to clear things. Kung yun ang ikinainis niya sa akin, wala po akong magagawa.”

    So, totoong wala na sila? Sino ang bago niyang manager?

    “Wala pong bago. Kami pa rin ni Geroge. We’re talking about things. Siya pa rin ang manager ko ngayon.”

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here