Dating kontesero puwedeng isabak sa The Voice

    277
    0
    SHARE

    Dapat daw sumali si Gerald Santos sa kasalukuyang season ng The Voice. Eh, kung si Karla Estrada nga, sumabak sa singing search kahit sumemplang, eh sa karanasan ni Gerald sa mga singing search, malaki ang tsansa niyang makapasa sa panlasa ng apat na judges ng The Voice.

    Marami kasi ang humanga sa husay ni Gerald sa San Pedro Calungsod The Musical na amin ding napanood sa Skydome kamakailan. Lutang na lutang ang husay niya sa pagkanta lalo na sa mataas na nota.

    Ang kabilib-bilib pa sa produkto ng GMA singing search, English ang kinanta niya sa musical na unang project ng Redlife Entertainment Productions nina Loven Red at Bem Red Reyes. Kaya pala hindi visible lately ang Prince of Ballad sa mga guestings sa TV dahil nga kailangan niyang magmemorya ng mga kantang narinig sa religious musical.

    Sa kanta na kailangan niyang bumirit, pinalakpalakan ng audience ang rendition ni Gerald na karamihan ay mga madre at pari. Ang musical theme ng play ay ang The Journey kung saan merong underwater scene nang ihulog ito sa dagat ng mga taong pumatay sa kanya. Nagawang mag-aral ng deep sea diving ng singer upang maisakatuparan ang eksenang ‘yon.

    Mula sa SkyDome, iikot ang musical play tungkol sa ating santo sa iba’t ibang Catholic School sa Visayas at Mindanao! No wonder, wala pang oras si Gerald upang mag-audition sa The Voice.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here