Home Headlines Dating konsehal, negosyante kinasuhan ng cyber libel

Dating konsehal, negosyante kinasuhan ng cyber libel

542
0
SHARE
Si San Miguel Mayor Roderick Tiongson habang nanunumpa sa piskalya ng kanyang salaysay. Kuha ni Rommel Ramos

SAN MIGUEL, Bulacan — Sinampahan sa Bulacan Provincial Prosecutor’s Office nitong Jan. 11 ng five counts ng cyber libel ang ex-municipal councilor na si Melvin Santos, residente ng Barangay Camias, at 12 counts of cyber libel laban sa negosyanteng si Mary Grace De Leon, residente ng Barangay Sta. Ritang Matanda sa bayang ito.

Ang naghabla ay si Mayor Roderick Tiongson, kung saan ay nag-ugat ang reklamo sa mga serye ng social media posts at facebook live ng dalawa na umaatake sa personal na pagkatao ng alkalde gaya ng mga bintang ng pagnanakaw, mamamatay-tao, at imoralidad.

Ani Tiongson, naniniwala siya na ang isang indibidwal kapag nasa panunungkulan sa gobyerno ay hindi dapat na balat-sibuyas at bukas sa lahat ng pagpuna at pagtuligsa.

Pero dahil inabuso, aniya, ng dalawa ang karapatan sa pamamahayag na sadya pang nag-iimbita upang sila ay panoorin sa pamamagitan ng pagpapa-raffle ng mga premyo sa social media kaya’t siya ay nagsampa na ng reklamo.

Sa pahayag naman nina Santos at De Leon sa mga media, ay sinabi nilang handa silang harapin sa korte ang nasabing asunto at naglabas lang sila ng saloobin hinggil sa panunungkulan ni Tiongson.

Samantala, bukod sa cyber libel ay nahaharap din sa kasong rape si Santos.

Ayon kay Atty. Joey Cruz, legal counsel ng biktima, ang kasong rape ay isinampa nitong nagdaang Dec. 18, 2023 ng isang 21-anyos na lalake na itinago sa pangalang “Roy” na dating tauhan ni Santos sa punerarya.

Ayon sa biktima, siya ay 16-anyos pa lamang noong naganap ang panghahalay sa kanya ni Santos kung saan ay tinakot siya nito gamit ang baril at banta na ipakukulong ito pati na ang kanyang pamilya.

Ayon kay Atty. Cruz, bukod kay “Roy” ay dalawa pang kalalakihan ang magsasampa din ng kasong rape laban kay Santos ano mang oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here