Dating hubadero
    bilib sa tapang ng baguhang bold star

    1271
    0
    SHARE
    Hindi ikinahihiya ni Allen Dizon na nagsimula siya sa pagpapa-sexy in fact halos lahat ng mga sexy stars ay naka-partner na niya sa pelikula at naging “top-honcho” rin siya ng defunct na sexy all male group na “Viva Hotmen”. Na-maintain ni Allen ang kanyang career until now active pa rin siya. Isang malaking achievement ang pagkapanalo niya ng two acting awards mula sa Star Awards for movies ng PMPC at 55th Famas Awards bilang Best Supporting Actor sa “Twilight Dancers”.

    Since then, nagkaroon ng objective si Allen na iwanan na ang pagpapa-sexy sa pelikula. Ilan sa mga dahilan kung bakit, hindi na kumportable ang award-winning hunk actor sa paghuhubad ay ang pagkakaroon niya ng pamilya.

    “Ang priority ko ngayon ay ang pamilya ko. Lumalaki ang mga anak ko (Nella Marie 6, Felixia Crysten 3 at Lucas Allric, 8 months). Gusto ko bago sila magka-isip ay makita nila ang effort ko na maging seryosong aktor at ipagmalaki  na mahusay umarte ang tatay nila. Hindi na rin ako bata para makipagsabayan sa paghuhubad. Graduate na ako diyan. Isa pa I’m more of a businessman now,dapat maingat ako sa mga ginagawa ko when it comes to my acting career kasi  importante ang image ko sa mga ka-deal ko sa aking negosyo (car trading business)…” depensa ni Allen.

    Sa bagong pelikula niyang “Butas ( Loophole)” ay nagpakitang gilas sa pag-arte at marami ang napabilib sa kanyang subdued performance. Sabi-sabi, epektibo si Allen lalo na sa mga tahimik na eksena na mata lang ang ginagamit at sa kanyang varied facial expressions na nagpapakita ng sari-saring emosyon.Ibinigay niya sa baguhang stud na si Marco Morales ang paghuhubad. Napabilib si Allen sa tapang ni Marco sa hubaran.

    “Nakakagulat si Marco kasi napakatapang niya, sa totoo lang hindi ko kaya ‘yon pagpo-frontal. Ilang sexy films na ang nagawa ko pero hangga’t butt exposure at strictly naka-plaster ako. Nakakabilib siya dahil malakas ang loob niya. In fairness to Marco, mahusay siyang umarte for a newcomer. Palagay ko malayo ang mararating niya bilang artista…” dagdag ng morenong aktor.

    Bukod kina Allen at Marco kasama rin sa kontrobersyal na pelikula sina Mercedes Cabral at Gwen Garci. Strictly For Mature Audience ang rating ng MTRCB—artisticallydirected erotic film ang komento ng mga nag-rebyu sa board.

    Masisilip na ang “Butas” sa January 28 sa mga sumusunod na sinehan- Robinson’s Galeria, Robinson’s Ermita, Robinson’s Iloilo,Remar Theater Cubao, ABC Theater Guadalupe, Gotesco Grand Central Caloocan, Gotesco Ortigas, Cinerama Isetan Recto at Ultravistarama Cebu. Handog ito ng Leo Films.Mula sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here