KUNG ang iyong edad sa kasalukuyan
Ay singkwenta anyos na ngayon, at ikaw
May pending petition sa tanggapan ng DAR,
Self adjudication na ang ihanda riyan.
At kung kanino sa iyong mga anak
Ipamamana ang nabili mong ‘Homelot’
Sa ‘auction sale’ sila na r’yan itong dapat
Nakapangalan sa titulo ‘in advance’.
At may maasahan kang magpapatuloy
Sakalit abutin pa ng ilang taon
Bago maresolba itong usad pagong
Na ‘still pending on final disposition’.
Na inabot na nang di lang ng ‘twenty years’
Ang iba pa nilang mga ‘pending cases,’
Na dinidinig d’yan sa ‘Legal Department,’
Gaya nitong aking sa DAR ‘had encountered’.
Gayong katulad nga ng aking nasabi
Ang kasong naturan ay napakasimple,
Dahilan na rin sa itong ‘benefi ciary’
Ng ‘lot in question’ ay ‘default’ na nga kasi;
O ‘disqualified’ na bilang ‘allocatee’
Sa isinangla niyang kapirasong lote,
Na hinayaan ngang marimata pati
At na-‘foreclosed’ bago ito pinagbili;
‘In an auction sale’ nga ng bangkong inutangan
Nitong kaasunto sa kasalukuyan,
Ng abang lingkod n’yo na tunay din namang
‘Buyer in good faith’ at nasa katuwian.
At ang bilihan ay nangyari at sukat
Sa pamamagitan nitong ‘clear as daylight’
Na proseso, kaya ano pa ang dapat
Asahan kundi ang panalo tayong tiyak!
Tama ba naman ang katuwiran nito
Na ang isinangla raw nila sa bangko
Ay ’32 square meters’ lang umano,
At di itong buong 509 mismo?
Ang total area ng ‘property in question’
Ay okupado pa rin n’yan hanggang ngayon,
Kaya sa ‘ALFA MART’ yan ay nagkaroon
Ng tsansang ibenta ang lupa ‘in millions?’
Though FELICITAS, (the subject respondent)
Really knew herself that there’s still pending case
At the Legal Affairs, of which till a present
Had not yet finally resolved or decided.
Pero, hayan dahil nga sa usad pagong
Ang DARAB sa marapat gawan n’yan ng aksyon,
‘PETIONER’ itong apektado ngayon
Sa pinagagawa ng ‘RESPONDENT’ doon.
At this junction, I am respectfully asking
For a temporary so called a Restraining
Order to defer what’s presently ongoing,
As (both of us) shall wait for its final ending!