May nabasa na kaming koentosa di umano’y reputasyon sa kabagalan sa trabaho ng dalawang director ngayon ni Nora Aunor.
Hindi naman daw kasi tv director si Mario O’ Hara na siyang direktor ni Nora Aunor sa kanyang TV5 project kaya inaasahang di agad mapapanood ang output niya.
Dagdag pa ng aming kausap, kahit na si direk Tikoy Aguiluz ay sobrang bagal din daw magtrabaho, bukod pa run na sa 2012 pa slated ang showing ng El.
Presidente movie ng Scenema concept where Nora Aunor plays the day lead role.
Kumbaga, what our source is trying to say, sayang yung init na dulot ng pagbabalik ng superstar kung maghihintay ng matagalan ang mga fans.
Kailangan daw, mabigyan agad ng puwedeng mapanood sa kanya before things gets cold again. Dapat nga namang samantalahin at baka wala ngang mangyari sa pagbabalik ng superstar.
Yung nga, kumita siya nang ganoon kalaki pero baka matalo ang kanyang mga proucers kung ganyang mabagal nga sila.
At dapat talaga, tanggapin ni Nora Aunor yung Hototay project na Mano Po 7 sa Regal Films. This would surely put her on top na tiyak na pagkakaguluhan sa Metro Manila Film Festival.
What Ate Guy needs is a director who delivers fast, like Joey Reyes or Joel Lamangan as they can quickly quench the thirst of her fans to see her acting again.
Umaasa nga naman ang marami na sa second coming ni Nora Aunor, everything will be will really be translated into high ratings on TV and big bucks at the box office, para naman makinabang ang mga taong mag-i-invest nang malaki sa kanya.
Balitang Nora Aunor pa rin, matapos bigyan ng grand welcome presscon ng TV5 ang Superstar na si Nora Aunor last August 2, si Laguna Governor ER Ejercito naman ang nagbigay sa kanya ng bonggang presscon last Saturday, Aug. 6, na ginanap sa Club Filipino sa Greenhills.
Ang naturang press-con ay kaugnay naman ng gagawing historical film ni Guy with ER, ang El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story, kung saan ay gagampanan ni La Aunor ang papel na Maria Agoncillo, Gen. Aguinaldo’s second wife.
ER will be portraying the role of Gen. Aguinaldo at ayon sa aktor/politiko, sinisiguro nilang isa itong de-kalikad na pelikula na pwedeng ipagmalaki ng buong bansa.
In-assure rin ni ER na napakaganda ng role ni Guy bilang Maria Agoncillo.
Muling naungkat ang issue ng pagiging second choice ng Superstar dahil matatandaang una ngang inalok ang role kay Batangas Governor and Star For All Seasons na si Vilma Santos, at muli ay inulit ni Guy na walang problema sa kanya dahil nagustuhan daw niya talaga ang proyekto bukod pa sa miss na miss na rin niyang umarte.
Sa naturang presscon ay inanunsyo rin ng aktor/politiko na makakasama rin nila si Robin Padilla na gaganap naman bilang Andres Bonifacio.
“He already sent word the other day na kahit walang bayad, he wants to play the role of Andres Bonifacio,” pahayag pa ng Laguna governor.
May tsikang lumabas na P7M daw ang tinanggap na talent fee ni Guy sa pelikulang ito pero nang matanong siya sa presscon, aniya ay hindi raw ito totoo.
“Alam n’yo, nang mapili nga nila ako sa pelikulang ito, sa totoo lang, excited ako. Kahit na siguro nangangailangan tayo ng pera pero pagdating doon sa pagiging artista at maganda ‘yung project na gagawin, at makabuluhan, dahil historical nga ako, kahit na second choice lang ako, talagang gagawin ko,” sey ni Guy.
Ayon naman sa producer na si Ms. Mylene, definitely, more than P7M daw ang worth ng Superstar pero hindi na raw nila pinag-uusapan ang pera dito dahil pare-pareho ang layunin nila na makagawa ng makabuluhang proyekto.
Hindi rin nakaiwas si ER sa tanong about his uncle, former President Joseph Estrada’s gap with Guy. He was asked kung kinailangan pa ba niyang hingin ang permiso ni Erap para kunin si La Aunor at kung ano ang naging reaksyon nito.
“Nagpaalam po ako kay former President Erap na kinukuha ako ni Ms. Mylene para sa El Presidente at para makasama si Ms. Nora. Ang sagot po ni Tito Joseph sa akin ay sana, kumita ang pelikula.
Pero sabi ko, Tito Joseph, hindi naman po ang kita ng pelikula ang habol ng ating producer, ang habol niya dito ay para makagawa ng isang quality film.”
Ipinahayag naman ni Guy na willing din siyang humingi ng tawad kay Erap bilang patunay din na talagang nagbago na siya.
“Kung patatawarin niya ako, maraming-maraming salamat,” pahayag pa ng Superstar.
Natanong ulit si Guy kung wala na ba talagang pag-asa na makakanta siya ulit at ayon sa Superstar, sa ngayon daw ay wala talaga.
“Mayroon pong pag-asa kung sakali, pero kailangan kong pumunta ng Boston. Kasi, ang Boston lang po ang nagkakaroon ng operasyon tungkol diyan.
Kaya pagkatapos po siguro nito, pagbalik ko sa States, ito ang aasikasuhin ko para makaipon naman ako at makabayad kung magkano ’yun, kasi alam ko, mahal, eh. Aabutin ng mga $50,000,” sabi ni Guy.