Daniel Padilla, Kathryn Bernardo star in a horror movie

    473
    0
    SHARE

    ANG PAGPAG ang kaisa-isang horror movie sa 39th Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Paolo Avelino, Shaina Magdayao at Clarence Delgado kasama sina Matet De Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, Janus Del Prado at Marvin Yap mula sa Star Cinema and Regal Films at sa direksyon naman ni Frasco Santos Mortiz.

    Magsisimula ang kuwento sa ’di inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at ng kanyang mga kaibigan sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga paniniwala at kasabihan. Di namamalayan nina Cedric at Leni na nag-uwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu.

    Magtutulungan sina Cedric at Lani sa pagasang matatalo nila ang mga kababalaghang na kanilang kinakalaban. Ngunit parami ng parami ang mga napapahamak at nawawalan na sila ng mga paraan upang iligtas ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

    “Sobrang nakakatakot po ang Pagpag pero sa likod ng nakakakilabot na istorya nito ay ang mensahe na ang pagmamahal at pagsasakripisyo para pamilya ang pinakamalakas na puwersa sa lahat,” says Daniel.

    Ayon naman kay Kathryn, “pinapakita po ng pelikula namin ang age-old confl ict ng mabuti laban sa masama at napaka-exciting pong makita ang paglalakbay ng aming mga karakter. Makikita po natin kung magwawagi kami o hindi.”

    Siyempre, kahit horror ito, since nandito ang dalawang teen royalties, may mga kilig moments pa rin ang dalawa na tiyak na ikasisiya ng kanilang mga fans. Pagpag is showing on Dec. 25.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here