Mighty proud si Karla Estrada sa nangyayari sa career ng anak na si Daniel Padilla.
Ang lalo daw niyang ikinatutuwa, whatever good things happened sa career ng kanyang anak at the moment ay hindi ito nagbabago.
He has remained a good son, she said. And a good brother to his younger siblings.
Hindi raw nagtataka si Karla na sa kanyang edad, may kakaibang talent na sa pag-arte ang anak. As she again proudly stated, ‘dugong Padilla ’yan.”
Daniel is her son kay Rommel Padilla, elder brother ng itinuturing na ‘idolo ng masa’ na si Robin Padilla.
Her dream daw is to have Daniel to do a movie with his uncle Robin.
Daniel plays the young Robin in the upcoming series, Kailangan Ko’y Ikaw, kung saan kasama rin si Karla.
Ganunpaman, ayon sa aktres, ’di raw sila nagkikitang mag-ina sa serye, as her character will come in nang binata pa ang karakter ni Daniel.
Karla related she will appear bilang bestfriend ni Kris Aquino, who plays one of Robin’s leading ladies. The other one is Anne Curtis.