Home Opinion Damay pati pulis na matino

Damay pati pulis na matino

713
0
SHARE

Kumpara sa alin pa mang sandatahang
lakas nitong pambansang pamahalaan,
pulis itong sa ‘peace & order’ ng bayan
ang nakatalaga para pagsilbihan.

At itong iba pa na ‘armed forces’ natin
di nagkakalayo ng mga gampanin,
di tulad ng pulis na may natatanging
responsibilidad sa tangang tungkulin.

Pero nang dahil sa higit na malapit
sa tukso ang ini-ikutang daigdig
ng mga ‘yan, minsan ubod man ng bait
ni Sir, natututo sa kakaibang hilig.

Sa chicks halimbawa at iba pang bisyo
d’yan sa bandang huli, magkaluku-loko
ang takbo ng utak ng mga damuho,
hanggang sa hudasin nila ang gobyerno!

Na hayan, malinaw nang napagkikita
ang kung anu-anong diskarte ang iba,
kung saan pati pag- ‘recycle’ ng droga
na kanilang huli ya’y nagagawa na.

Anong ‘peace & order’ nating maasahan
sa araw-araw na ating pamumuhay
kung ganyang mismo ang ating kapulisan
ang kakutsaba r’yan ng mga kriminal?

Gaya riyan ng isyu sa Angeles city
na kamakail lang din naman nangyari;
kahihiyang tunay na napakalaki
para sa Pampanga at kay Pogi pati.

Kung san di lamang apat o lima riyan
ang sangkot sa droga riyang kapulisan,
at kay Mayor Pogi insulto nga yan
sa napakalinis niyang panunungkulan.

Pagkat naturingan mang itong Angeles
ay pugad ng bisyo ‘but never did embrace
Outlaw activities or monkey business,’
mula maupo siya ‘as a mayor elect’

Kung sino ang kwenta pinaka-pinuno
nitong matatawag nating sindikato
d’yan sa istasyom ng pulis huwag itago
upang kalokohan nila ay masugpo.

At upang hindi na yan makapandukot
sa kapwa Tsino r’yan itong pagkatapos
sa pamilya nito ay ipatutubos,
sila ang sa kapwa pulis ipadampot.

Nang di pamarisan ng iba pang gunggong
sila ang marapat na unang ikulong,
at pagkatapos ay di lamang suspension
kundi nang perpetual disqualification.

Bilang alagad ng ating kapulisan
ang kagaya nitong mga naturingang
kakampi dapat ng mga mamamayan
pero sila itong salot sa lipunan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here