Dalawang baguhan, ayaw luminya sa
    pagiging sexy stars

    386
    0
    SHARE
    Ironical pero true po ito. May dalawang bagong alaga kasi si Lito de Guzman na parehong ayaw luminya sa pagiging sexy star. Knowing naman naming nagsimula si Mother Lito sa pag-aalaga ng mga sumikat na boldstars. ‘Di ba sikat na sikat noon sina Ramona Revilla, Ynez Veneracion, at marami pang mga pangalang nagningning dahil sa mahusay niyang pag-aalaga?

    At sino naman kasi ang makalilimot sa sumikat na kontrobersyal na The Baywalk Bodies?

    Anyway, sabi nga namin, may bago siyang dalawang alaga na talaga namang halos masuka kapag tinatanong kung bakit ayaw nilang maging boldstar gayung nasa tamang kamay naman sila para nga magkapangalan.

    Well, iisa lang ang sagot nina Charm Joson at Cristine Ann Fernandez. Na sila ay mga commercial models at ayaw nilang mabahiran ng dungis ang kanilang katayuan sa modeling world. Yes, marami kasing commercial ang dalawa at kumbaga, ito ang bread and butter nila sa ngayon.

    Bukod ditto parehong estudyante ang dalawa at mahirap para sa kanila na pumasok sa pagpapa-sexy. Si Charm kasi ay estudaynte ng Tourism sa University of Sto. Tomas at si Cristine naman ay estudaynte sa Dela Salle University.

    Sa ngayon, parehong regular sa Luna Mystica ang dalawa at may pangako sa kanila’ng GMA 7 management na bibigyan pa sila ng ibang projects pagkatapos ng naturang fantaserye.

    Meawhile, nasa stage pa lang talaga ang dalawa sa paggawa ng pangalan at mas gugustuhin nilang sa larangan ng wholesome genre sila makilala.

    Experimental naman para sa kanilang kasalukuyang manager na si Lito de Guzman ang pag-aalaga ng wholesome talents at baka sakaling kung magtatagumpay ang pangangahas niya kina Charm at Cristine Ann ay tuluyan na niyang seryosohin ang pagpapaka-wholesome.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here