LICAB, Nueva Ecija – Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang ama ang isang 14-anyos na dalagita matapos na umano’y gahasain at paulit- ulit na saksakin ng hindi pa nakilalang suspek sa Purok 2, Barangay San Juan ng bayang ito nitong Martes ng umaga.
Ang biktima ay kinilala ni PO2 Paquito Pantas, Jr., imbestigador ng Licab police, na si Velentina Ferrer, residente ng naturang barangay. Sa imbestigasyon, bandang alas-8:30 ng umaga nitong Martes nang matagpuan ng ama nito na si Walter Ferrer ang duguang bangkay ng biktima sa bisinidad ng sementeryo sa nasabing barangay.
“(Ferrer) was shocked when he identified that the dead female body was his daughter, lying in between tombs,” sabi ni Pantas sa kanyang ulat sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo Nieves, director ng Nueva Ecija police provincial offi ce (NEPPO).
Walang saplot ang ibabang bahagi ng katawan ng biktima, ayon kay Pantas. Nasa dibdib pa ng dalagita ang isang malaking piraso ng hollow block, dagdag niya. Sa pagsusuri ng Nueva Ecija police crime laboratory office, lumalabas na positibong biktima ng panggagahasa ang biktima.
Nagtamo rin ito ng dalawang tama ng saksak sa likod at pito sa dibdib na naging dahilan ng pagkamatay batay sa pagsusuri ni P/CInsp. Reynaldo Dave, medico- legal.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang salarin, ayon sa puisya.