CASTILLEJOS, Zambales –Wala nang buhay ang isang dalaga na hinihinalang ginahasa bago pinatay nang matagpuan ng kanyang nakababatang kapatid sa madamong lugar sa Sitio Malipa, Barangay Nagbayan sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Erlinda Antonio, 57, ng Purok 4 ng nabanggit na barangay. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umalis ng bahay ang biktima para manalbos ng kamote pero hindi na ito nakauwi ng bahay.
Kinabukasan na nang makita ng kanyang kapatid na si Luis ang biktima sa madamong lugar na walang saplot sa katawan. Nakita din sa pinangyarihan ng krimen ang nagkalat na damit ng biktima at bato na hinihinalang pinangpukpok sa ulo ng biktima matapos itong gahasain.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Castillejos PNP para matukoy kung sino ang responsible sa krimen.