She is now a regular showbiz fixture at isa na sa kinikilalang maganda sa showbiz. Nilalakaran ngayon ni Daiana ang mga pinagdaanan ng maraming magagandang banyagang nagkaroon ng puwang sa local showbiz gaya nina Dayanara Torres, Michelle Van Eimeeren at marami pang iba na in the end, kahit na yung iba, ditto na nag-asawa ay nag-disappear din sa local scene.
Teka, ano na nga ba’ng nangyari kay Lana Asanin na very hot din noon at nagging regular mainstay din?
Well, Daiana, like we say is very much at ease na sa local showbiz.
To the point, na umaamin na siyang na-capture ng isang native ang puso niya. Ito si Carlo Guevarra na medyo obscure pa, pero promising daw ayon sa ilang reporter.
The two are verey much in love at kapuwa umaaming sila na.
“I like the natives more than the mestizos,” sabi pa ni Daiana.
Si Carlo pa ay nakilala niya sa isang TV5 project na kung saan bading ang role nito. Sa istorya, ise-seduce nga ni Daiana para mawala’ng kabadingan nito, but in the end, naging real-life lovers sila. Kumbaga, effective yung panse-seduce ni Daiana sa male starlet.
Bading ba si Carlo sa tunay na buhay?
“Nope, barakong-barako po siya,| sabi pa ni Diana sa garil-garil na pananagalog.
So there!