DAHIL SA SELOS
    Babae patay, tiyuhin kritikal

    396
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY –Dead-onthe- spot ang isang babae samantalang ang tiyuhin nito ay kritikal at agaw-buhay matapos pagbabarilin sa Rodriguez St. Barangay Kalalake sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Lourdes Arangorin, 42, residente ng Rodriguez St., ng Barangay New Kalalake.

    Ang biktima ay nagtamo ng tama bala sa ulo na tumagos sa bibig mula sa .9mm pistol na kaagad nitong ikinamatay. Samantalang, kritikal naman ngayon sa James L. Gordon Memorial Hospital si Carlito Manlapaz, 55, tiyuhin ng biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at leeg.

    Kinilala naman ang suspek na si Gaspar Manlapaz, 42, tricycle driver, residente rin nasabing barangay.

    Ayon, sa ina ng biktima selos diumano ang naging dahilan ng nangyaring pamamaril. Dati umanong nagsasama ang suspek at si Lourdes ngunit dahil umano sa pananakit at sobrang selos ng lalaki, nakipaghiwalay ang biktima na hindi matanggap ng suspek.

    Napagbuntunan ng galit nito ang tiyuhing si Carlito at pinagbintangang may relasyon umano ang dalawang biktima.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here